PATIENCE IS A VIRTUE

Standard

Minsan may mga bagay talaga sa mundo na kahit sobrang hirap… ito yung nagiging daan para makamit mo yung kaginhawahan..

Yung mga pagkakataong di mo inaakala.. na minsan napapagod ka na.. minsan magsesettle ka na.. okay lang tanggap ko na.. yung may plano ka na sa buhay mo.. na magiging ganito ako.. ito yung pupuntahan ko.. ito yung dapat gagawin ko..tapos gagawin  mong busy mo na talaga ang buong sistema mo.. pero di mo aakalaing isang araw…

Isang araw… may dadating.. tapos.. mapapa – aayyyyiiieee ka na lang..Yung sige na kahit mahopia ka na.. at least mai-try man lang.. para masabi mo sa sarili mo.. masaya naman pala pag may konting twist sa buhay mo..

May taong darating sa iyo na di mo inaakala.. hahaha..pero nagpapasalamat pa rin ako.. kay God.. kasi He will surely reward you for your patiently waiting for someone.. kung hindi man siya si someone.. okay lang .. atleast at this time.. siya yung nagiging twist sa buhay ko.. at naglalagay ng mga ngiti sa aking nakakapagod na hapong gawain..

Ewan ko kung hanggang saan makakarating yun.. eenjoyin ko na lang ang moment ng Ayieeee!❤

#sepanx

Standard

UNO

“Never get so busy making a living that you forget to make a life”

Mukhang eto ata ang status ko ngayon.. at mukhang ganyan rin ang itsura ko kagaya ng pusa ko.. Masyado na naman akong busy ngayon.Nagpapakabusy para lang maovercome ko ang aking #sepanx…

SEPANX – short term for separation anxiety.

Minsan tinatanung ko ang sarili sa tanda ko na to (medyo 18 yrs. old pa lang hahaha..) eh nararamdaman ko pa ito at nagdadaan pa ako dito. Bakit kasi ang hirap mag-let go ng mga bagay at ng mga tao.. huhuhu.. (artymuch!). Actually, tapos na nga ang aking sepanx kahapon pa.. naeexperience ko lang uli siya pag sandamukal na paperworks ang kaharap ko.. lalo na at malapit na naman ang pasukan. Ang sarap kasing tumunganga at magmuni-muni muna bago gumawa ng maraming bagay. Doon pa lang kasi mag-aactivate ang aking braincells.. hahaha bukod sa pagkain..

Nakakasepanx lang naman kasi.. parang all of a sudden iba na ang routine mo, iba na rin ang mga kasama mo at pakikitunguhan mo kahit luma naman yung mundong kagagalawan mo.. Siguro ganyan siguro talaga ang buhay ng isang titser titseran.. Maraming sepanx na pagdadaanan.. halos taun-taon may bago.. kelangan mo lang maging confidently beautiful with a heart.

Bahala na si batman.. a new beginning again and again..

 

 

 

Musings 101

Standard

Ito ang nagiging resulta ng mahabang araw na walang pasok.. nakakapagblog ako…=) ito lang ang maipapasalamat ko kay lando… pero over ka masyado lando.. dami mong sinalanta..go away na..

Heniwaysss… It is nice to be back!!!.. 8 years na pala ako sa blogosphere nang parang wala lang…

Nahalungkat ko ang mga blogpost kong puro ka-immaturan, katatawanan at kalokohan pala ang mga post ko…di bale.. ngayon lang ako magdradrama.. I’m in the mood for being Drama Queen.. just for this time only..

Ito naman talaga ang reason kung bakit ako magpopost ngayon.. ala kasi akong makausap.. kundi ang ever loyal kong blog.. na anytime, anywhere pwede kong takbuhan.. so glad I have it.. =)

This past few weeks.. super exhausted ako sa work dahil sa dami ng PAPERWORKS, emotional, behavioral, physical, medical problems ng mga estudyante ko (perks of being a teacher ata!), studies.. (deadliest deadline ng termpaper, portfolio, research, analysis sa masteral) at higit sa lahat ang nakapagpastress sa akin ng sobra…

exhausted

ay dahil sa balitang to..

“vacant… chikahan with my co-teachers…and bff

ako: (super explain na baka next year di na ako magtuturo!)

bff: ako rin ate di na rin ako magtuturo..

ako: bakit? (high pitch mode)

bff: papakasal na ako ate…

ako: (eme lang okay papakasal lang pero in high pitch) papakasal ka??? anekebe.. ang saya saya kayang maging single.. anu ka ba.. gawin mo nga akong inspirasyon.. 30 na nbsb pa rin pero masya.. enjoyin mo muna buhay mo.. bka magsisi ka… pagisipan mo nga yan.. lam na ba yan ng nanay mo.. ikaw papaluin kita sa pweeettt.. (and another million words to say in high pitch)

bff: ate kasi (sabay abot ng envelope na may picture)

giphy

ako: (binuksan ang envelope)(speechlesssss….. kinuha ang mga papel papel at pinalopalo sa table, in beast mode pero silent mode.. teary-eyed…. nagwalkout at bumili ng kwek kwek sa labas)

Siguro alam nyo na kung anung ibig sabihin nun.. di ko na kailangan iexplain  I was like..

download (6)

.. para akong binagsakan ng langit at lupa.. di ko kasi matanggap na sa ganun kabilis ng panahon… at wala akong kaalam-alam ako pa ang huling nakaalam.. eh ako ang kanyang bff.. ang syaket.. syaket.. syaket .. sa bangs..

She is like my little sis.. na kasamo ko mula first year college at hanggang ngayon sa work… I didn’t expect na isesekreto nya sa akin ito ng mahabang bwan.. hindi panahon.. nauna pa ang mga utaw kong darla na sinabihan nya eh ako yung concerned citizen na dapat nakaalam nun.. at higit sa lahat she is very young and not stable too.. kahit yung halipakpak nyang jowa-jowaan ..

Di ko lam kung nakikinig sya sa sandamakmak kong payo at example ng mga katulad nyang masyadong maagang nagaasawa.. nakakalungkot lang.. wala na akong travel buddy na isang kalabit lang .. gora na kaagad.. wala na rin akong mahihingan ng pagkain na walang bayad… at kachikahan galore.. ang syaket syaket pala noh..

haaayyy..

naku Lord.. ngayon ko na kailangan ng boylet .. hindi ba uulan ng boylet….hahhaha.. napagiiwanan na ba ako ng panahon??? geeee…so sad..

pero kahit ganun pa man.. I need to be happy for her..please guide her na lang Lord.. and if ever she needs me I am always here..

Lesson learned: Nothing is permanent in this world only CHANGE..

ciao..

with flying colors..

Image

with flying colors..

“God puts rainbows in the clouds so that each of us- in the dreariest and most dreaded moments- can see a possibility of hope.”

ang totoo with flying color lang kasi isa lang naman yung kulay ng hood ko so singular.. hahaha.. kaya pala sinasabi nila with flying colors pag nakagraduate ka na ng college eh.. nagiging makulay ang paligid… sa sobrang saya..

saya.. kasi pangalawang beses ko ng grumagraduate ng college.. una yung 2-yr. degree ko tapos pangalawa ito.. looking forward for my masteral.. hehehhe..
Walang kasawa- sawang mag-aral…. actually malapit na kasi nakakapagod rin palang mag-aral ng mag-aral.. magagalit na nga sa akin ang zombies dahil sa gamit na gamit na ang utak ko.. wala na silang makukuha.. latak na lang.. hahaha..

..feeeling..

feeling ko nung natapos ko to ang GANDA.. GANDA… GANDA.. ko.. kasi naman bukod sa maganda talaga ako eh.. maganda talaga ako.. hahaha.. kidding aside kasi naman lahat ng hardships, pagsusunog kilay pati noo, paseeeeeeeeeeenssssssssssyyyaaa… at higit sa lahat eh yung ganda ko ay nagamit ko sa pag-aaral ng Bachelor of Secondary Education Major in English.. susko.. maya-maya nga ay nagpapasalin ako ng dugo sa pagkanosebleed ko sa dami ng Englisheeeesss na pinag-aralan ko.. ang problema nga lang ay.. naabsorb ko ba yun?????.. hahhaha..

.. thanks..
uber duper super ako nagpapasalamat sa poong maykapal kasi he is always there for me.. hindi niya ako iniwan kahit segundo ng aking journey to life.. I owe all of my knowledge and learnings to him.. Your the best Lord!!!! for giving me strength to finish all the impossible task I have encountered.. and I can’t believe I surpassed them all… Thank you ng very very hard..

to my Mother Earth, my Mudrakels whom I offer all of my awards I received and the one who supported me all the way despite of the many sermons, daily litany and constant reminders to me… who gave me money.. even if she runs out of money.. heehhehe.. I knew how hard you try to finish my studies… that’s why your the best Mom in the world.. I love you so much x100000000000..

to my father earth… I know you’ve watched me everyday, every minute and every second of my journey… and you are my guardian angel.. You are the one who talked to God to help me… with lola.. stay safe there.. just keep watching there.. we’re okay here… I am going to visit you soon in your place here in earth but not in heaven.. =) Love you missumuch….

to my sisterettes and brotherloooos thank you for supporting me in every charitable activities in our school.. kahit minsan naiinis na kayo sakin sa dami ng hinihiling ko sa inyo.. salamat ng very very very big.. lavualll..

to my mentors, teachers, professors, classmates, friends who always at my side through ups and downs.. who taught me the things I must know.. I owe you a lot..

.. arte..
ang arte ko .. parang cumlaude lang.. heheheh.. dream ko kasing magbigay ng words of thanks kaso hindi ako pinalad eh.. sumabit lang.. but still.. I am very very very very happy…
At last Teacher na ako.. este colorom na teacher pa lang… di pa pala ako board passer… hehehe.. sana talaga makapasa ako sa board at magkaroon na ng trabaho.. hehhehe.. pero sa ngayon chill muna.. finish all my documents first… =)

Titser Titseran

Standard

…namiss ko tuloy yung mga bata sa Northville.. sila yung mga batang gustong-gusto mag-aral.. mga batang sabik sa karunungan at sa bagong kaalamang ituturo namin.. ang kaso dalawang beses sa isang buwan lang namin pwedeng gawin yun..

 

Image

nakamiss kabonding ang mga batang toh!!(the epic banana)

kami este graduating na pala .. kya hayun.. kelangan na naming sumabak sa giyera..

pero hindi giyera ang nadatnan namin dito.. kundi katahimikan.. sila na siguro ang public school na gusto kong turuan pagka graduate ko.. Kahit kapos sila sa pera.. wala man silang mga gamit na mararangya.. mayroon naman silang maipagmamalaki ang masipag nilang pagtitiyaga sa pag-aaral.. at ang hindi matatawarang magandang asal na tinuro sa kanila…

ooops.. naubusan ako ng sasabihin nxt time na lang..(ieedit pa.. heheheh)

counting

Standard

Image

 

… well.. mag seseven years na pala ako sa blogosphere nang di ko namamalalayan.. ohmygeee..ang bilis ng talaga ng panahon.. parang dati lang ang syonga-syonga ko magblog.. ngayon.. syonga pa rin…. hahahaha.. 

sa tuwing dadalaw naman kasi ako rito eh.. laging may bago.. di na ako makahabol.. at sa tagal  ng panahon.. dumudugo pa rin ang ilong ko sa pag-intindi ng mga kaanikan dito.. at dahil nga ako’y muling nagbalik akalain mo itong.. status na to ang ang nagpasaya ng aking katawang lupa..

.. akalain mo.. may 10 followers ako na hindi ko namamalayan.. ibig sabihin nyan sa 900000,000000,00000 na blogger dito ay may sampu akong fans.. hahahaha..malamang ito yung mga kapitbahay ko.. at nag-iisang kaibigan kong bloggeer sa real world at mga naawa sa blog kong inaamag na ng panahon..

.. well.. mahirap kasing maging artista laging busy… sa pagdaday-dreaming… kaya nawawalan ako ng oras na magpost sa aking blog… pero infairfull sa tuwing dadalaw ako dito.. natatanggal ang aking sangkatutak na stresssssssssss.. kasi kahit papaano eh.. nabubuhay ang aking diwa sa pagbabasa ng mga blog dito..

.. heniways kaya naman uli ako nagpost eh.. nakapagload na ako sa net connection namin.. ibig sabihin pag naexpired na eh.. expired na naman ang byuti ko sa blog ko.. hehehe.. Isa rin namang dahilan eh.. namiss kong magtype ng maraming period gaya ng napaglilibangan ko ngayon.. at syempre ang pag-alala sa aking buhay na madadagdagan na naman ng isang taon..

ako ay mag 18, 19, 20, 21, 22, 23, 24, 25, 26, 27, 28, ahhhh.. 18 uli.. fixed lang ang edad ko.. unchangeable..gaya ng fezlook ko.. hahaha..

gusto ko rin naman kasi gawaran ang Jobstreet.com sa walang kasawa-sawa sa pagbati sa akin ng 2 days before my debut.. halos 10 years na nilang ginagawa yun.. sobrang nakakatouch yun.. atleast.. they remebered me before my birthday comes… kahit alam kong computer generated lang yun.. at di na rin updated ang paggamit ko dun… aawardan ko sila ng MOST THOUGHTFUL JOB PROVIDER AWARD.. kahit ni minsan di pa ako nag-aaply sa mga company na nirecommend nila.. hahahha..

…hindi ko nga alam kong bakit may napapadaan ditong panaka-nakang magaganda at guwapong bloggers.. ehhh.. di naman ako tumetrending.. kaya gusto ko rin pasalamatan si googoool.. sa pagoogool ng oras na iligaw ang mga blogger sa blog ko.. ng may bumisita kahit paano..hahha..

magdadagdag na naman ako ng edad.. achievement na naman ito na hindi pa rin tumatanda ang mukha ko… I stay young and pretty pa rin.. (sige purihin ko sarili ko..push ko to..).. kelan naman kaya madadagan ang mga nagawa ko sa universe… haayyy.. wish ko lang.. dumami ang anda ko.. para marami naman akong mapautang.. dumami rin ang lalake ko..dumami rin ang suitors ko.. kasi malapit na akong grumadweyt sa wakas.. pwede na akong magjowa.. hahaha.. goodluck na lang sa treasure hunting ko…

.. wish ko rin sana makagora naman ako sa ibang lugar.. hindi yung nalibot ko na ng 90 times ang bulacan.. eh.. yung ibang parte ng phils.. ay di pa.. sana makagora talaga ako sa maraming lugar..

.. at pinakaimportante sa lahat ay hopefully makagraduate na ako next year.. at magkaroon ng trabaho.. ng makatulong na ako sa pilipinas… 

.. gusto ko rin mag- thank you kay Lord Almighty sa pagbigay sa akin ng hininga para mabuhay araw-araw.. at magsabog ng kagandahan sa universe.. that’s all… folks..

bayieee.. sa susunod uli.. Adios Otra vet..=)