Musings 101

Ito ang nagiging resulta ng mahabang araw na walang pasok.. nakakapagblog ako…=) ito lang ang maipapasalamat ko kay lando… pero over ka masyado lando.. dami mong sinalanta..go away na..

Heniwaysss… It is nice to be back!!!.. 8 years na pala ako sa blogosphere nang parang wala lang…

Nahalungkat ko ang mga blogpost kong puro ka-immaturan, katatawanan at kalokohan pala ang mga post ko…di bale.. ngayon lang ako magdradrama.. I’m in the mood for being Drama Queen.. just for this time only..

Ito naman talaga ang reason kung bakit ako magpopost ngayon.. ala kasi akong makausap.. kundi ang ever loyal kong blog.. na anytime, anywhere pwede kong takbuhan.. so glad I have it.. =)

This past few weeks.. super exhausted ako sa work dahil sa dami ng PAPERWORKS, emotional, behavioral, physical, medical problems ng mga estudyante ko (perks of being a teacher ata!), studies.. (deadliest deadline ng termpaper, portfolio, research, analysis sa masteral) at higit sa lahat ang nakapagpastress sa akin ng sobra…

exhausted

ay dahil sa balitang to..

“vacant… chikahan with my co-teachers…and bff

ako: (super explain na baka next year di na ako magtuturo!)

bff: ako rin ate di na rin ako magtuturo..

ako: bakit? (high pitch mode)

bff: papakasal na ako ate…

ako: (eme lang okay papakasal lang pero in high pitch) papakasal ka??? anekebe.. ang saya saya kayang maging single.. anu ka ba.. gawin mo nga akong inspirasyon.. 30 na nbsb pa rin pero masya.. enjoyin mo muna buhay mo.. bka magsisi ka… pagisipan mo nga yan.. lam na ba yan ng nanay mo.. ikaw papaluin kita sa pweeettt.. (and another million words to say in high pitch)

bff: ate kasi (sabay abot ng envelope na may picture)

giphy

ako: (binuksan ang envelope)(speechlesssss….. kinuha ang mga papel papel at pinalopalo sa table, in beast mode pero silent mode.. teary-eyed…. nagwalkout at bumili ng kwek kwek sa labas)

Siguro alam nyo na kung anung ibig sabihin nun.. di ko na kailangan iexplain  I was like..

download (6)

.. para akong binagsakan ng langit at lupa.. di ko kasi matanggap na sa ganun kabilis ng panahon… at wala akong kaalam-alam ako pa ang huling nakaalam.. eh ako ang kanyang bff.. ang syaket.. syaket.. syaket .. sa bangs..

She is like my little sis.. na kasamo ko mula first year college at hanggang ngayon sa work… I didn’t expect na isesekreto nya sa akin ito ng mahabang bwan.. hindi panahon.. nauna pa ang mga utaw kong darla na sinabihan nya eh ako yung concerned citizen na dapat nakaalam nun.. at higit sa lahat she is very young and not stable too.. kahit yung halipakpak nyang jowa-jowaan ..

Di ko lam kung nakikinig sya sa sandamakmak kong payo at example ng mga katulad nyang masyadong maagang nagaasawa.. nakakalungkot lang.. wala na akong travel buddy na isang kalabit lang .. gora na kaagad.. wala na rin akong mahihingan ng pagkain na walang bayad… at kachikahan galore.. ang syaket syaket pala noh..

haaayyy..

naku Lord.. ngayon ko na kailangan ng boylet .. hindi ba uulan ng boylet….hahhaha.. napagiiwanan na ba ako ng panahon??? geeee…so sad..

pero kahit ganun pa man.. I need to be happy for her..please guide her na lang Lord.. and if ever she needs me I am always here..

Lesson learned: Nothing is permanent in this world only CHANGE..

ciao..

Advertisements