million’s yeaaaarrrrrrsss

…tingnan nyo naman khit busy ako, nagpuputukan na dito at nagrent ako eh.. tlagang sinadya ko itong bahay ko para magpost… kc naman natouch ako sa mga fans ko.. na patuloy na bumibisita dito at wlang sawa, patid na nagkokomentus ever sakin… dahil dyan tlaga ay SUUUUUUUUUUUUPEEEEEEEERRRRRRRRR TOUCHING! ang aking balunbalunan, apdo, baga, atay at ang aking puso! at dahil dyan A MILLION TENCHU TO ALL OF YOU… FEEL MY HUGS AND KISSES TO ALL OF YOU.. mag eedit pa ako dito kya wag muna kyo magkoment! may kagimbal gimbal pa kc akong ilalagay na ikakatawa nyo hanggang gilagid… pakia abangan lng…

sa ngayon eto muna ang iiwan ko sa inyong my new years message

                                                 1941473166.jpg

“umiwas sa paputok” – a friendly reminder coming from me… hehehe..

———————————————————————

eto na buo na ang obra maestra ko.. hehehe.. lam ko pinakahihintay nyo ito.. at grabe tlga ang hirap na naranasan ko dito para iedit to… punta kayo dito!

                                              untitled1.jpguntitled1.jpguntitled1.jpguntitled1.jpguntitled1.jpg

lilipad kayo sa ibang planeta… pagkatingin nyo ay bumalik kayo dito at dito na magkoment.. salamat sa makukulit na aking tagapagsubaybay na sumuway sa aking kautusan eto na ang handog ko sa inyo… sana ay maging msaya kayo..

Advertisements

busy pa!

medyo busy pa ako kya napapansin nyo ala ako mxadong post..

bukod sa hinihintay ko ku magkoment sa ibang post ko.. eh gumagawa ako ng ikakaunlad ng byuti ko kya ito my bago ulit akong site

C  L  I  C  K      NYO..

signature-ko.jpgsignature-ko.jpgsignature-ko.jpg

lumipad b kyo sa ibang planeta???.. pangalawang bahay ko po iyan??? ganda b dumudugo po ang ilong ko dyan kya medyo kailangan ko ng blood donation sa sobrang dami ng naubos na dugo sa akin.. hehehe..

yan ang bagong hatid ko sa inyo.. medyo ginagamit ko na kc ang brain ko.. hehehe..

salamat ky burikatdoll a.k.a trishie pra sa aking signature na nagturo skin.. at especially mention to the highest level ky itot54itot a.k.a jonald.. hehehee.. dami kong natutunan sa knya.. thru online teaching salamt sa inyo.. sana ay biyayaan pa uli kyo ng kagandahan loob ni lord..

good sayt n’ bad sayt

PAUNAWA: UTANG NA LOOB PKIBASA PO NG BUONG DETALYE ANG POST KO..NAPAGOD PO AKO SA KAKATYPE DYAN… YAN LNG NAMAN ANG WISH KO.. HEHEHE..

 .. well syempre di ko mapigilang ipost ang momentum ko ng pasko at mga eksenang ginawa ko ng simbang gabi.. kc naman sobrang dmi ng wishlist ko kc atlast nabuo ko kahit extend ng 1 day.. hehehe..(kc po may inatenand akong party everlu kya umabsent ako ng 1 day! kya kelangan mag extend!)..

at dahil dyan ito na ang aking full effort to the highest level na post !, syempre ang uunahin ko ay ang  G  O   O   D      S       A       Y    T!

KABILANG SA AKING GOO D SAYT AY:

the church

NATIONAL SHRINE OF DIVINE MERCY

m13.jpgm6.jpgdvyn.jpg

ang loob ng simbahan              ang belen                 front view ng church

Yan po ang naging kuta ng aking simbang gabi.. sa totoo lng po marami tlagang mlapit na simbhan s amin.. e sinz inaya ako at mlapit ang aking fwend dito.. gora na ang byuti ko.. (pacenxa na po pixelized ang pictures.. di po kc medyo marunong mag- ayos.. ng pictures)

TRIVIA: ang church po nyan ay miraculous.. totoo po.. kilala ata po sya sa philippines.. kc dming miracle na ngawa ng shrine na iyan.. hehe (side comment lng po)

kung balak niyo po pumunta diyan e just ask me na lng… free po ang phone in question at talent fee ko.. kung sakasakaling mapagintersan niyo lng namn.. hehehe.

…oops xempre kbilang rin sa aking good sayt ang PU-TO gallery ng aking frendship!!

dahil nakapuslit kmi ng cellphone di camera kya gora na sa pag pose..

         ANG                         PU – TO                    GALLERY

.. tatangapin ko po ang inyong violent reactions ukol sa mga mala-diyosa namng larawan.. kelangan ko ng iexpose ang byuti ko sa madlang people.. bka sakaling kunin kaming model!!! ahu! ahu! ahu!

                                                      c RETAGUS MAE

                                                         m9.jpg             

-totoo po at di ako nagkakamali.. inilagay ko xa sa good sayt khit msama ang aking loob…     sapilitan po ito.. (hehehe.. joke lng) ..Siya c mae REtagus Mae ang tunay nyang name.. ayaw nyang twagin ko xang Retagus! ewan ko sa knya.. kung bakit.. ang ganda naman.. isa xa sa mga millions frends ko na dyosa.. klasmeyt ko xa nung hayskul.. at after 3 yrs. nagkita uli kmi at nagkyayaang magcmbang gabi..kung nais niyo po xang makilala.. ito lng po ang bilin ko wag na lng.. hehehe… joke.. mabait rin po yan.. di nangangagat at nagtranform na po xa bilang tao… hehehe..

ksama sa aking gud sayt ang mga eksenang ss.:

1. mga pamilyang consistent na nagsimbang gabing mgkasama.

2. magjowang consistent na mgkasama sa dilim este sa simbahan.

3.ang mga inspirational message ng gospel.

4. mga batang mababait at naging behave habang nagmimisa.

5. and the last ang puto bungbong at bibingkang ol time favorites!!!

#######################################################

at eto na ang  B  A  D        S    A   Y   T!            

ay naku di tlaga nawawala sa buhay ang mga ganitong ecklavarba!

iiklian ko lng pero full effort pa din!

grabe tumataas tlaga ang blood pressure ko sa tuwing my ganitong mga eksena!

d’      B                A                   D                    S             A            Y           T!      

1. SA JIP- hay sus! sus ko po! papunta p lng ang lola nyo sa simbhan.. pagsakay ko ng jip ayun tumambad sa akin ang mag jowang PDA( PUBLIC DISPLAY OF ARU- DUGU-DAGUKAN KO KYA KAYO!) akala ko my parke na sa jip… haiiist.. actualy eh! punuan ung jip ang last na sumakay ung mag-ina… eh dahil sa lawak ng nasasakop nilang mag-jowa ayun ung anak nung ina eh naupo na lng sa 10 kilong bigas na biili nila.. Hindi sa naiirita ako.. naiinis ako sana pinaupo nila ung bata ng hindi dun sa gitna ng bigas nila nakaupo..

ay naku.. ang sarap tlagang itali nila sa puno ng kamatis at bagay ang kaswitan nila dun at langgamin forever nang magkaroon ng pakiramdam.. at maging aware sa gingawa nila…sus ko po.. di ko kayo tatantanan!!

2. SA UPUAN- hindi po ako bitter o naiingit sa mga magjojowa pero cla po tlaga ay kumukuha ng atention ko pra haybladin ako.. ang eksena—- nakaupo ako at nagmumuni-muni hbang hinihintay ang aking fwend at yun pla ay absent kc xmas party sa work nya kya solo flyt ako! solo ko ang isang upuang kahoy dahil hindi naman mxadong matao pag simbang gabing 8:00 pm kya maraming bakanteng upuan… Akalain mong! anak ng foto! naunang maupo c jowang boylet katabi ko at sumunod ang jowang gerlalu at gumitna sa amin…( helllloooowwwwww as if naman nadidikit ako sa jowa mo! hindi ko xa aagawin noh!) at ang sayt tlaga ni jowang gerlalu sa akin ay isnab to the highest level..

ang kina high blood pressure ko po ay ito! ang luwag ng ibang upuan wlang nakaupo sa harapang upuan ko bakit hindi kayo magsiupo don at maglambutsingan dyan! haller! SUMISIGAW TLAGA ANG NERVOUS SYsTEM KO sa inis! dito pa kayo nagsumiksik.. at simbahan po ito utang na loob!ANAK NG FOTO KAYO..(yan ang mga sigaw ng isip ko!!) gosh nwala na ako sa focus! buti na lng at nakuha ng gospel ang atension ko at inadya ni lord ng di ko marinig ang bulung bulungan nila..

3. SI INA MAGENTUSH- AT MGA JUNAKIS!- ang totoo si ina lng naman ang bad sayt dito bakit??? hay naku… cnav kc ni father tumayo ang lhat ng ina ng mapalakpkan dahil sa trulily rewarding nilang pagpapalaki nila sa mundo sa atin… at ang eksena ni ina na ktapat ko

junakis!!— ma! tayo ka lahat daw ng nanay oh!

ina ni magentush— ayoko nga!

.. ay nalerkey tlaga ako dito sa ina meagentush na ito 5 pa namang anak ang ksama nya at ikatwa b cla.. eh kagwagwapo at kegaganda naman ng anak at infairful gwapo naman ang knyang jusawa.. MAY SALTIK ATA TONG NANAY NA TO!

4. C MAG- INANG MAGENTUSH #2!- ay naku.. una hanga pa naman ako sa mag-inang magentush # 2 na to! kc sort of kinda ah.. dual citizen na c ina magentush # 2( as in filipino citizen & senior citizen.. hehehe) at c junakis #2 ay nsa mga 40’s na at sweet pa rin clang nagcmba.. khit nirarayuma na c ina magentush # 2.. ay todo help xa dito.. diba kahanga-hanga ang bonding ever nila.. ang eksena… c father ksama sa homily ang mga anik-anik na kinalolokohan natin ang paglalaro ng sugal tanung c father cno tumataya sa lotto( taas ang kamay ko… mali po!) nagtaas ang iba.. sabi b naman ng mag-inang magentush# 2 “kmi naglalaro sa casino.. di kmi tumataya sa lotto”( ay nalerkey na naman ako ang posh ng maginang ito..) hindi pa po yan yung kinahighblood ko! eto po yun — sabi ni father magkamayan po tayo para sa kapayapaan… xempre ang lola mo todo kamay sa iba at lalo na sa fafable sa tapat ko tlagang mahigpit ang aking pagkakamay.. ng kakamayan ko na ang mag-ina magentush # 2 na ito… ala nalerkey na naman ako..dinedmakels ang byuti ko ayaw makipagkamay??? eh nag-alcohol naman.. ako( ANG ARTE NYO! DUN KYO SA PRIVATE CHURCH MAGCMBA HINDI DITO) goshhhh!

5. LAGIM SA CR- ay naku.. lam ko ganito pag public… di malinis ang c.r. pero sana lang sana lng.. ang ksena— c fwend sort of kind ah! my UTI- sumpong kya halos yakapin na nya ang c.r. .. nang mag-c.r na xa ang sinundan nyang gerlalu ayun ANAK NG FOTo! jUMERBAUX! di man lng nagbuhos… haisst… dami namang tubig.. tlaga naman oh.. kwawa tuloy c frend tiis na lng xa hanggang sa makauwi ng bhay.. kc my UFO iniwan itong c gerlalu!!

6. FAFABLE BOYLETS-ewan ko ba’t kelangan gwapo ang sakristan at pari! para ba maenganyo magsimbang gabi —- oooopsss. ooops.. sa good sayt po ito.. pabor ako dito… hehehehe LIMA LNG PO TLAGA ANG BAD SAYT KO..

*************

… WOW ito ang pinakamahaba kong post.. xempre tinodo ko na ito kc busy ako nung past few days… at sana ay naging aware ang mga tao sa mga bad sayt kong pinaglalagay..

sabihan niyo na po akong msama at mapanghusga pero po gusto ko lng maging aware ang mga tao sana nga mabasa nila itong blog ko.. hehehe..

.. aaminin ko po my mga bad sayt rin akong gingawa pag nasa simbhan pero di naman nakakalerkey!! heheheh… Maligayang pasko…

merry krismas!

…pacenxa na mga minamahal kong frendshipsss. busy pa kc ang byuti ko ngayun kya.. super bilis ko tlagang gagawin ito.. dahil sobrang malapit kayo sa aking balumbalunan, atay, lungs, esophagus at sa aking puso.. di ko mapigilang batiin kayo ng maligayang pasko at ito ang aking iiwang mensahe para sa inyo..

326133166gnxqnk_ph.jpg

sana ay kurutin ang mga hinlalaki nyo sa sobrang tatz… ng mensahe nakalagay dito..

wish ko ay manatili ang kagandahan at kagwapuhan ng ating mga face sa susunod na pasko at sa darating pang million yearsssss!!!!. love you all.

M     E      R       R       Y                    C       H      R     I     S     T      M      A      S!!!!

deeeffuuungaaaaaall!

hehehe.. halu… mga syopatid.. hala ang tagal kong di nakapagpost!!! kating kati na nga ang aking kamay at isip sa pagpost nung mga nakaraang araw.. kso di ko tlgang mgawang magpost sa mga kdahilanang!!!!::

 1. gifts galore— deefuuungaaaaaaall na gifts galore yan…!!! napagod ako sa kakagawa!(” hindi nga ako si santa claus e !feeling ata ng mga tao sa amin ako yata yun at pati ang elves nya!) utusan b naman akong maimili ng ipangreregalo nila at ibalot ko na rin daw kc mgaling ako dun…( hindi ko alam kung compliments un na dapat kong ikatuwa.. o pang-uuto lng nila sa akin pra gawin ko..)

2.population in d’ philippines— (idamay ba pti tao sa pinas??) Gravacious kc!!! sobrang dmi ng tao sa divisoria at sa mga tiangge sa pinas.. kya hayun san man ako magtungo pra makabili ng panreregalo eh  sus ko di mahulugang karayom(parang di naghihirap ah!)sa dmi ng population ng philippines bka sa susunod my filipino na sa north pole.. gravaaaaa!

3.barat ako–buong pagmamalaki ko tlagang sinasambulat na BARAAAAAAT AKO!!! kahit di ko pera ung pinambibili ko ng gift eh…. todo twad pa rin ako bakit?? eh kc deefungaaaaaaal tong mga nag-uutos sa akin ibudget ko daw dapat my sukli pa..goodluck naman sa knila… buti na lng hindi lng ako dyosa… bright child pa.. hehehe!!! mas mautak ako.. alam ko kung saan my mga mura.. hehehe..

4.simbang gabi marathon—hay naku.. ilang beses na akong nagsisimbang gabi sa buhay ko pero di ko tlga mabuo kc super di na kinakaya ng malakawayan kong ktawan dhil ganito ang laging eksena ng buhay ko tuwing magpapasko—pero wish ko tlaga matapos ko ito at mabuo .. pero mukhang matatapos ko ito kc.. my prospect tayo sa simbhan.. kya todo simba pa rin ako khit pagod na…(landi ko tlga.. un pla ang layunin) joke lng!!! wish ko po tlagang mabuo iyon hindi lng pra sa akin.. kundi sa sangkinapal!!

5.party eklavush—haiiisssssttt!!! ewan ko ba tambay naman ako.. bat ba todo aya clang isali ako sa mga party eklavush nila… eh wla nga akong perang pambili ng xchange gift!!! ang hirap tlagang magkaroon ng mraming frends… ang dami mong iisked for appointments.. sana kung iisa lang ang dabarkads ko eh super dami nila.. tapos tuwing pasko naalala nila ako…( hindi ko rin alam kung ikatutuwa ko un o ikakainis !!!) eh bwat sbi nila regalo ko ha…. deeefuuungal kau!!!

— deefuuungalll! yan lng expression ko pag pagod na pagod ako isinisigaw ko lng yan pra mabwas-bawasan ang stres sa sarili ko at bumalik ang aking pagiging dyosa ulit…

Buti at nabibisita ko kahit papaano ang mga syopatid ko dito sa cyberblog para khit papaanu… i remember them even i’m busy… echos..

ayon ky maldito:
hehe..di ba ang defunga e hiligaynon (ilonngo word yan)…..kind of cusing but in a milder state..lols..yudifunga nga na!!lols

tsikiting patrol

 ung tungkol sa post nito pakiabangan na lng ilalagay ko pa ung tungkol sa kanila sa susunod na oras.. hehhehe

ito na.. busy kc kya ngaun ko lng ulit nagawa..

cla ang mga asungot anghel sa aking hideout.. na parating gumagambala sa araw-araw kong gawain.. Cla ang mga bunga ng mga syupatid ko sa earth! khit cla ay consistent na makukulit, pazaway, at magiging future gangsters /leaders pag-asa ng bayan kung mayroon pang natitira sa paglaki nila.. at goodluck na lng dun.. hehehe

 cla ang mga tsikiting patrol..

hehee.. lam ko curious kayo kung cno cla.. pero hndi sila adoptable, capable, enable, amponin!!! kc bka maligwak kyo sa sobrang kakulitan nila… mga piling tao lamang ang nakakaintindi sa kasaltikan nila at isa na ako dun dahil mahaba ang aking saltik pasensya.. hehehehe…

trip ko lng cla ilagay sa world wide web bka kc may mag-abalang magbigay ng donasyon, regalo, bahay at lupa.. at anu-anu pang anik-anik na magagamit nila sa paglaki ng kanilang salinglahi.. awww!lalo na’t magpapasko at kung sakaling makita sila ng kanilang ninong at ninong ay hindi na cla pagtaguan… utang na loob !! naman!!! sa akin cla nangungulit kaya wag kayong magtago!! at dahil dyan wla lng may maipost lang… babush!!

hay naku..

hay naku.. yan lang msasabi ko… grabe naman kc! ilang araw ko ring di nabisita tong bahay ko tapos eto nagun nagkakamemory gap pa ako sa ilalagay ko.. sus!!!

dapat kc gagawa ako ng post nung dec. 6 ng 3 post! kc solong solo ko sa wakas ang hideout ko.. at feel na feel ko ang silencio sa napaka noise barage kong lungga! nang may dumating na mga asungot!!! Anak ng foto naman oh!!! dumating na ung hari ng lungga walang iba kundi ung kuya ko at ayun dinemolished na naman ako… di na ako mkapalag kc nagbugbugan tlaga kmi para maginternet dito… kainis talo na naman ako… kya ayun… nawala n tuloy akong gana bumalig at gumawa ng post.. nawala n kc sa memory ko..

Inisip ko na lng balikan ang kawindang windang kong libangan ang magcross stitch.. 

cs.jpg yan! yung libangan ko three yrs. ago at hanggang ngayun di ko pa rin tapos sv nga ni mudang..(” anu b yan nakamatayan na ng tatay mo di mo pa rin tapos yan!!!) hehehe… kc tinatamad kc akong gawin nanglalabo na kc ang tantalizing eyes ko kya medyo ipinagbeauty rest ko muna ng mga 3 yrs… hehehe!!! pero balak at wish ko namang tapusin..

akala ko mananahimik na ako sa ginagawa ko akalain mong may asungot na namang dumating… haiiisssssst!!! ito gising na pla yung pamangkin ko at raratsada na sa 1 million questions nya… dyus ko.. e wala pa naman ako sa internet para itanong ang mga tanung nyang di ko na maicip sagutin tulad ng:

 1. anung ginagawa mo? — nagcrocross stitch!

2. bakit ka nagcrocros stitch? — gusto ko kc.

3. ba’t mo gusto? — ewan ko! (inis na ako.. nabuhol tuloy ung sinulid)

4. bakit nabuhol ung cnulid? —kc kinakausap mo ako!

***pansamantalang lumayo…at bumalik haiiiissssssttt!!

5.bakit iba’t iba yung kulay?—para maganda tingnan.

6. anu b yan tita?–angel

7. yan b yung art angel?–hindi

8. e anu yan?–angel sa langit

9. e diba sa langit galing ang ulan? –oo!

10. bakit b umuulan?– kc uminit knina nag-evaporates(hala nasa ulan na kmi… marami pang tanong kasunod nito..

11. e bakit mhaba ung ulan? –kc maraming tubig sa langit..

12. san b galing ung tuig sa langit?–sa dagat

13. panu nalalagyan ng tubig ung dagat?– sa ulan

14. niloloko mo naman ako tita sv mo s langit galing ung ulan..(ala ako pa ang nanloko!)

e san b galing tong sinulid mo??(hala na change topic na kmi…. waaaaaaahhhhhh!!!

“ASAN B NANAY MO? umalis eh! bat ikaw ang nagtatanong skin!!!???? waaaaaahhhhhhh!!! sus buti na lng mhaba ang pacensya ko….kcng haba ng sinulid na tinatahi ko.. dyusko.. tumtanda ako lagi pg nagtatanung tong pamangkin ko..