#sepanx

UNO

“Never get so busy making a living that you forget to make a life”

Mukhang eto ata ang status ko ngayon.. at mukhang ganyan rin ang itsura ko kagaya ng pusa ko.. Masyado na naman akong busy ngayon.Nagpapakabusy para lang maovercome ko ang aking #sepanx…

SEPANX – short term for separation anxiety.

Minsan tinatanung ko ang sarili sa tanda ko na to (medyo 18 yrs. old pa lang hahaha..) eh nararamdaman ko pa ito at nagdadaan pa ako dito. Bakit kasi ang hirap mag-let go ng mga bagay at ng mga tao.. huhuhu.. (artymuch!). Actually, tapos na nga ang aking sepanx kahapon pa.. naeexperience ko lang uli siya pag sandamukal na paperworks ang kaharap ko.. lalo na at malapit na naman ang pasukan. Ang sarap kasing tumunganga at magmuni-muni muna bago gumawa ng maraming bagay. Doon pa lang kasi mag-aactivate ang aking braincells.. hahaha bukod sa pagkain..

Nakakasepanx lang naman kasi.. parang all of a sudden iba na ang routine mo, iba na rin ang mga kasama mo at pakikitunguhan mo kahit luma naman yung mundong kagagalawan mo.. Siguro ganyan siguro talaga ang buhay ng isang titser titseran.. Maraming sepanx na pagdadaanan.. halos taun-taon may bago.. kelangan mo lang maging confidently beautiful with a heart.

Bahala na si batman.. a new beginning again and again..

 

 

 

I’m Back..

I miss my blog….

I’m back…. hehehehe..

di ko talaga matiis na di mkapagpost bago mtapos ang taon..

kating-kati na ang aking mga kamay.. at malikot na kaisipan ..

Namiss ko talaga toh….. ang natatangi kong imaginary friend slash boyfriend… ang aking blog…

Pasensya na at mahaba-habang panahon tayong nagkawalay.. Hindi ako nagabroad … na kumakalat na tsismis sa kapitbahay…. hindi rin ako ang other woman ni paquiao.. kaya matagal akong nawala at nagpalamig lalo’t higit hindi rin ako isang CVO kaya ako nagtatago…… hahahahaha..  gusto ko lng mamiss naman kita ng mahaba-haba… hehehe..

Sa pagbalik ko sa blog ko… biglang sumakit ang ulo ko… Nag-overheat masyado ang brain ko…

Aba’y di ko akalain na extended pala ang lingo ng wika sa wordpress… Kay lalim ng tagalog ng mga tagalog ang nabasa ko sa aking dashbord.. sa sobrang lalim di ko na maarok ang mga katumbas na kahulugan dito.. kaya nagdalawang isip ako.. kung magpopost pa ako.. dahil mukhang naliligaw na ako sa mga pinipindot dito… pero awa naman ng diyos.. natutnton ko rin.At ito nakapagpaskil ana ako..

Sa aking pagbabalik sa aking blog… gusto kong magpasalamat sa mga taong nakamiss sa akin dito…

MARAMING SALAMAT… I MISS YOU ALLL…. abangan ang aking pagkatok sa mga bahay nyo ngayung pasko…. hehehehe.. dadalawin ko na isa-isa na ang mga blog nyo..

Nagbalik din ako kc.. namiss ko c itay.. ang aking virtual itay..

ITAY…  I MISS YOU… AT MERRY CHRISTMAS….. i’m back..

at kaya rin ako nagbalik.. kc may isa akong kaibigan dito sa blogosperyo na  aking natagpuan.. na isa rin pla syang blogista.. salamat sa fezbuk… at dahil dyan mas natutuwa akong magblog at list may isa akong friendship dito na nakasama ko sa personal at sa tunay na buhay..

siya ay si..

JERILEEE.. a.k.a azul.. HAHAHAHA…. (ang pinakafresh nyang piktyur…)

pinilit nya akong magblog uli para maibida ko naman sya sa aking bahay.. hahahhaa…

Sa mga di nakakakilala pa sa kanya… sya ay isang taong katulad rin natin..

Huwag kayong mag-alala.. hindi sya nangangagat… hehehehe..

hindi rin sya isang CVO o myembro na nawawalang AMPATUAN clan sa bansa..

sya po ang tunay na other woman ni paquiao…hahahaha..

Miss na kita lee…. may jowa ka na pla… dti pinaplano mo pa lng bumili nun… naunahan mo ako… hehehehe… magvideoke naman tayo….. pag uwi mo dito…. imizyah…

sa susunod na post ko na lng ulit itutuloy ang mga naglalaro sa isip ko.. medyo mahahaba-haba na yata tong post ko..

at sa inyong lahat.. na mga friendships ko… namiss ko kayo….. ilabyuol… =>

Vitamin C!

ngayun lang ata ako nakatanggap ng award na hindi lang matutuwa ka.. healthy pa… ibang level na tlga ngayon… lumalawak na ang isipan ng tao..

medyo healthy nga ito dahil galing ito sa isang duktor na blagera..( aba napapansin ko iba-iba na ang nagblblog ngayun… halu-halo.. kelan kya magbloblog ang mga pulis?????)

eto pa isa sa kagandahan ng award na ito pwede kang maging instant biznessman.. kc may sarili itong cart..

tsaran..

o diba, ang tarush ng award na ito salamat doc angel.. san ka nakakita ng lemonad worth 50 cents lang…

well ito pla yung rules..

The rules of this award:translated in tagalog
1. Put the logo on your blog or post.(ilagay ang larawan sa iyong poste ng ilaw!)
2. Nominate at least 10 blogs which show great Attitude and/or Gratitude!(dahil marami ka ng kaibigan, at magseselos sila sayo pag di mo sila binigyan nito… lahat ng frends mo pwede kahit mga imaginary friends pasok!)
3. Be sure to link to your nominees within your post.(kailangan  close kayo… mahirap maging feelingera’t feelingero..)
4. Let them know that they have received this award by commenting on their blog.(maari mo silang kalabitin,kilitiin, sapakin para makapagpasalamat naman sayo..)
5. Share the love and link to this post and to the person from whom you received your award.(humayo’t magpakarami..)

so.. ayan.. malinaw na malinaw.. lhat kyo pwede khit soon to be friends pa lng kita.. basta feeling nyo kunin… go… lang…

 

have a nice day..!

 

KASAL

naku.. busy ako ngayung linggo kya wala muna akong pakialam sa mga chika-minute skin.. pero ewan ko ba.. yung chismis na ang lumalapit sa akin at hinihintay ko na lang tukain sya..

kasal…

sus.. ilang tao na ba ang kakilala ko na nagpakasal ngayong linggo na hindi ako imbitado.. hehehe.

una yung anak ng kumare ng nanay ko 22 pa lng nagpasakal na este nagpakasal na.

pangalawa yung kaklase ko- nagulat ako kc at last after 48 years nagparamdam din xa skin, yun pla para sbihing ikakasal na sya..

pangatlo- yung isa kong katrabaho si tonyang.. magapapakasal na sbi ng kaibigan ko imbitado daw ako.. yes sa wakas officially invited rin ako.. pero kelan b?

..haaaayyy.. di ko alam kung anu ang mga pumasok sa utak nila at naisipang magpaksal?? eh masyado pa silang bata nsa 22-23 lng naman ang edad nila.. Parang gusto ko silang sabihan “Mga ateng hellow!!! there are many fish in the sea” Nkahanap na b kyo ng tulad ni erebus kya magpapakasal na kayo..

Hay..sana hindi red tide nung araw na natagpuan nila ang knilang mga kabiyak.. Nanghihinayang lang ako sa knila kc ang saya kyang maging Singol not forever ha..!

Sa nkita ko lng sa aking surroundings sa mga newlyeded sa lugar namin.. hay naku laging may live show smin.. dhil sa kararayot nila at ending ayun.. tsugi na ang relasyon nila… hayyy kawawa naman yung mga junakis nila.. ayun sila ang nagsusufer ng mga nagawa ng kanilang magulang..!

kya ako… still khit NBSB ako, di pa ako mag-aasawa kc ala pa akong jowa.. hahahha.

ayaw ko muna ng sakit ng ulo.. at mkakadagdag lang ako sa global warming ng mundo..pag nangyari yun..

para sa aking mga friendship na nagpakasal na at ikakasal pa lng… ISANG MALAKING GUDLAK NA LANG SA INYO..

masama bang maging bading?

Hindi sila yung mga friendships ko ha.. example lang cla ng mga inaapi sa lipunan.

Nainis ako khapon ng mapanuod ko sa t.v na pati yung bading na biktima sa Vicente Sotto scandal ay iimbestigahan..

Tanung ko.. bakit pati cla?? cla nga yung biktima..

hayy.. alam nyo ba kung ganu khalaga sa akin ang mga bading?? Mahal na mhal ko cla.. Cla ang aking mga kaibigan sa panahon na akoy nsa rurok ng kalungkutan.. nandyan cla pra pasayahin ako at plakasin ang loob ko..

kya nainis ako nung lumbas sa youtube tungkol sa canister scandal na yun..

Yung blood pressure ko 200-220 .. HEHEHE..

Una- dahil sa mga doktor at nurse dun na sinuway ang Code of Ethics ng Philippines.

Pangalawa- Pinagkakatuwaan nila ang mga kalahi ko..

Kung alam lang nung mga nars at doktor ang dahilan ng bading na yun bkit nya nagawa yun.. cguro hindi nila pagtatawanan o kya paglalaruan nila..

Aba’y talagang affected ako.. bading ba ako? hehehehe.. naiinis lang tlga ako ksi sa mga taong sobrang magjudge nang mga bading! gusto ko silang tanggalan ng ingrown isa-isa ng mlaman nila kung bakit naging bading cla..

HINDI nila kagustuhan yun.. ha..

sa dami ng friendships kong bading.. lalong lumalawak ang pang-unawa ko sa mundo, tulad na lang ng Global warming, rice shortage, wage hike HAAAAYYYY..heheheh… cge na nga mya.. habulin ako dito ng mga parac..

ram-ram

nanahimik ako ngayon kc ayaw ko tlga mangulo ngyun.. kc mahal na araw.. kya humanda kyo sa akin sa susunod na araw… pero ngayon may kaelangan ako gawin … kahit my aftershock pa ako ky paquiao, at janina.. isama na rin natin c ken lee..

heniways….

…Nagtataka kayo kung cnong missing person na yan??? O isa ba sya sa mga bubuo ng programa ni Jessica Soho “REUNIONS”. Actually hindi sya nawawala.. gusto nya lang manawagan sa inyo.. Aba..sandali.. may napansin pla ako ka rhyme pla sya ng isa sa mga fans ko kya cnisipag ako ngayon magpost khit mahal na araw.. ka rhyme sya ni rad.. awww!

.. di ko alam kung anung raket nya ngayon at pil na pil nya ang pag pose… ewan ko ba dito.. oi ram mhal ang talent fee ko dito ha..

.. Pinilit nya akong ilagay ko sya sa bahay ko.. nung isang lingo pa niya ako tinetext at tlgang inaabangan nya to…Well! Dahil mdali tlaga akong mapilit ayan ibinida na kita.. kahit ang mga ibinibida ko dito ay mga kapita-pitagan at iginagalang na tao sa lipunan ng mga taga-lupa.. hahahaha..

Heniways di ko na kayo bibitinin pa.. ipapakilala ko na sya..

…Sya si Ram Roque, dalawampu’t taong gulang na, kayumangi, katamtaman ang pangangatawan.. ay di pla majin boo na xa… hahaha.. joke lng.. may taas na.. ahhh.. hindi ko alam basta katamtaman lang rin ang kanyang taas.. huli syang nkita na palakad-lakad sa circle… hahahhhahah..

… may malaki kc syang problema.. at pilit nya akong dinadamay.. hehehe.. oo dinadamay nya ako.. kc lgi xang nag tetext.. at buti na lng may load ako.. kso nga di ako masipag magtext… hehehehe..

… ang problema nyang malufet.. hehehe( ram sasabihin ko na ha.. di naman siguro ito mbabasa nya..) sya ay kagagaling sa isang nabigong pag-ibig.. huhuhu.. ang sad noh!!! Hayyyssss… at kasalukuyan syang naghahanap ng:

1. katextmate…- take note my standard syang hinihingi.. kailangan mganda khit walang pera.. sya na daw sasagot ng pangtuition at pang load.. hehehe
2. GF na pansamantagal- hehehe.. saan ka mkakahanap nun..???
3. isang taong textus adiktus…

..sinabi ko na sa kanya na mhirap ng magaganda ngayon.. kc lahat taken na..hayyy. basta kung cno man ang nakakita sa kanya.. o interesado sa kanya , mangyari ay i-pm ninyo ako.. hehehe..

..wag kayong mag-alala.. sya ay tunay na tao at hindi nagkatawang tao-hindi rin sya nangangagat.. mhilig lng syang tumahol at magplay dead.. hehehe..
.. nawa’y matulungan nyo sya sa kanyang, agam-agam, hinaing, at mga pasakit sa buhay..

..oi ram magkoment ka dito pag nabasa mo…

sir mhyke

..well.. dahil pinangako ko tlga sa taong ito na gagawin ko syang starring sa bahay..ko..
Yes.. natupad na.. Grabe.. bigtime sya.. kya dapat bigtime rin ang balik tanaw ko sa nakaraang mga momentum na naalala ko.

..pero bago ko simulan to! Share ko muna yung nalaman ko khapon..
..nagulat tlga ako kc di ako mkapaniwala sa balita sa akin ni Pham.

.. nkatanggap ako ng text sbi ni Pham , kung naalala ko pa yung joyman na si Paul..(tapos inisp ko ah… si Paul yung mlaking crew.. nakachokaran ko pag nkapetix ako.. hehehe… ang koolet nun ah.. nakakatawa pag ka duty ko yun.. lagging bukid ang chicken station at sankaktutak ang harina sa towel nito pag nilalabhan ko).. eh bakit pla tanung ko ky pham???  kc ala na xa.. Nashock tlga ako kc:

1. anu may namatay na naman akong kaibigan at naging katrabaho.. (anu ba yun? bkit ganun? nung isang taon si calwit??? Hayyy!)
2. anu ba yan bkit lahat ng mababait kinukuha ni Lord (naku natatakot na ako.. I’m not ready pa Lord)
3. nagkikita-kita lang kmi ulit ng friendships ko pag may mga lamayan at burol..(anung klaseng reunion b yan?? Kelangan may nawawala muna bgo magkita-kita uli?)

…Tapos tinext ko si Aloy ung mlapit na kaibigan ni Pol kung anu kinamatay.. Naholdap daw tapos tpos tsinugi na sya ng mga masamang loob.. ay grabe tlga bkit kc di na lng unang kunin itong mga masasamang loob ng din a sila mag-exist sa earth.. gravacious… matindacious tlga!!!

.. haaayyy kakalungkot talaga pero ganun tlga kanya-kanyang oras lng yan.. kaya dapat malapit tayo kay Lord.. at lagi nating isipin na ang lhat ng nangyayari ay may dahilan..???(hmmmppp! Anu kaya dahilan ni Lord dun??? Di kya dapat pag naholdap tayo eh! Sumigaw tyo ng darna o kya tawagin natin si Mang JOSE! HEHEHE..joke lng..

Heniways blik na tayo sa starring ko..sa totoo konekted naman yung mga pinagsasabi ko sa kanya kc kilala nya rin yung taong yun dhil sya ang butihing manager naming si …

Sir Mhyke… take note with h ha..

02bcc884dd4b0f9564e49e561675a7e3_nationalgeo_sm.jpg
Gusto nya kc lagi may h yun pag sinusulat ko sa DTR nya hehehe..
Well.. bkit sya ginawa kong bida slash starring sa aking home sweet home.. well syempre may dahilan ever na naman..

1. Birthday nya kc nung February 24 eh hindi ko xa nbati.. bka magtampong pooorooroot xa! Kya sir HAPPY HAPPY HAPPY HAPPY HAPPY BIRTHDAY!
– kya pala ako naisipang itext ni sir nhyke nung 23 at super text tlga sya nun! yun pla eh nagpaparamdam sya na magbibirthday na sya.. at batiin ko sya.. ayan sir tatambling pa ako… wooooh!( sumegway pa kyo ng kung anu-anung topic at mega ask pa kya ng mga katanungang hindi ko masagot.. hehehe pinahirapan nyo tlga ako magtext.. tamad nga ako eh..)

2. Sabi nya mag flu-flu away na xa after 2 months sa Canada.. Kya sir eto ang baon ko sa inyo.. ang huling memoriam sa pinas galling sa akin..
(sana makilala nyo dyan can misyel at manilenya.. pkikamusta na lang ako)

3.Wala ako maisip maipost kya sya na lang… hehehe.. ska pangako ko ito sa kanya hehehe..

..eto na babalikan ko na ang mga momentum ko sa kanya..
.. sa totoo lang di naman tlga kami super close ni sir kc open kami..hehehe.. iba kc ang dabarkads ni sir nung nasa JABI pa kami.. super i-lang nga ako sa kanya.. mas takot nga ako sa kanya kesa kay sir hiker hindi dahil nakakatakot ang mukha nya… naku hindi.. hindi ha… para syang anghel na ipinilit ibagsak sa lupa ganun ang mukha nya… hehehehe.. joke lng.. ang totoo kc pag tatawagin nya ako “ ate jho pahina nung sounds… ate ac.. pa towel…” habang sinsabi nya yan tlgang nanginginig ako sa pagtupad ng inutos nya sa akin.. bakit??? Kc super seryoso ng mukha nya habang tinatawag nya ako.. kya dapat talagang gawin mo!

 ..well ito tlga ang momentum na hindi ko makakalimutan kay sir  nung tanungin nya ako.. “ate jho meron pa bang short bond paper sbi ko naman “ sir long na lang po..” tapos tiananung nya ulit ako super seryoso ng mukha nya “ san ka nag-aral ng highschool???” ako naman tlgang napaisip ala anung kunek kya sa bond paper nun???@@@$$****@@@@### at tlgang kung anu-anu pumasok sa isip ko bkit tinanung yun ni sir.. Tapos tinanung ko sya “bkit sir??” tapos sinagot nya ako “ksi ang tanong ko lang naman kung meron?? Eh ang sagot dun eh meron o wala lang naman cnv mo pa skin long lang meron” diba tinuro yan sa hayskul na oo at hindi lang naman ang isasagot pag ganyang tanung”  aba may point kyo dyan sir ah… mukhang absent ata ako nun.. hehehe..

Wow.. nakakamiss tlga mgbalik tanaw sa mga ganung memories..

.. isa lang tlga masabi ko kay sir super sipag.. nya.. ang hilig nya gumawa ng mga visual aids.. na tlgang super busisi habang ginagawa nya yun.. hehehe.. kakamisss..

Basta sir VON VOUYAGE.. ingat sa Canada.. pdala kayo ng snow sa pinas…