walking dead

Namimiss kong manahimik sa isang tabi.. tumingin sa malayo at malayo sa ingay.. ewan ko ba ang panget ng taon na to para sa akin. SANDAMUKAL na gawain na kahit bakasyon ang dami ko pa ring iniisip. Hindi na nga ako nagsummer kasi ang hirap talaga ng THESIS.. pamatay na thesis.. haaayy.. di ko alam kung itutuloy ko pa.. kasi may mas malaking trabaho pa akong kakaharapin.. accreditation… waaahhh..

Napanuod ko yung movie na “Limitless” parang gusto kong magtake nung NZT48 na yun kahit isang oras lang ng tumalino naman ako. Ang hirap kasi ng maganda ka lang (hahahaha) Ang hirap talaga pag ang brain cells mo may limit. Bakit kasi di ako tinubuan ng ganung talino. Di ko rin maatim na magcopy-paste ng research ng iba. Plagiarism yun.. teacher pa naman ako ayoko sa mga nangongopya.. eh kaya siguro di ko maatim na gawin yun para lang makapasa. Kaya hanggang ngayon laging nasa isip ko yang thesis na yan kung itutuloy ko ba o pahinga muna. Tapos may problema pa sa bahay.. Haaayy sabay sabay na.. ala talaga ako sa focus ngayon sa thesis ko na to.. haayyy..

Advertisements