Last 25 minutes

…. panawagan sa mga kaibigan kong tinambakan ako nang sangkatutak na tag.. mga next year ko na sila gagawin.. para mganda pasok taon sa kin.. ayon sa aking friend na si madam auring…wag ko muna daw gawin ang mga nkatakdang gawain ko.. sa susunod na taon na lng daw para buong taon ay masipag ako..

…. nawala na naman ako sa blogosperyo… busy ako sa sangkatutak na gawain sa akin dito sa real world… halos magmutitasking na ako.. as usual magpapasko kelangan ni santa claus ng mga elves kya sinabakan ko na ang seasonal na job na iyon.. kya busy ako…

… pero kahit busy ako hindi ito hadlang para mapalampas ko ang pinakaabang-abang na pakontest ng taon….

kaabang-abang ito dahil syempre isang kilalang tao ang nagpautot nito… talo pa sa pagiging controversial ng mumbai hotel ng india… sya ang nawawalang anak ni TAJ MAHAL si TAJ MURA… buwahahaha..

..ipakikilala ko na bka hindi ako umabot sa dedline… ang pinakamatikas,pinakastig at kagila-gilalas na si kuya BURAOT 

.. ayan.. ako ay opisyal na lumahok sa pautot na ito dahil kelangan ko ng kayamanan ngayong pasko dahil marami ng nkapilang pautang sa akin.. lalo na ang utang ko kay mr. singh.. kya utang na loob kung sino man ang hahatol.. isama nyo ako khit yung grand prize lng keri na… yung sobra pla sa utang ko idodonate ko sa charity ko… POORITA FOUNDATION INC. ..kelangan ko mangalap ng malaking kperahan dahil halos ng benificiaries dito ay may mental problem kay medyo may kamahalan…

pero ito na ititigil ko na ang intro dhil pinatutulog na ako ni mudang at kelangan ko na itong tapusin para sa tsansang mkatama sa lotto.

ang aking napiling artikulo sa blog ni ANAK NI KULAPO ay….

     MAY HIV KA RIN BA?

Ito ang napili ko , hindi dhil sa mkapalaglag panty ito.. sa halip ito ay nakapagpabago sa pananaw ng aking buhay, Simula kasi na nabasa ko ito.. mas lalo na naging malawak ang pagkakaalam ko sa HIV, o sa mga taong the HAIR IS VANISHING… naging mas close na kami ni MANG PENDONG na kumpare ng nanay ko na mhilig umutang ng gel para maging pamada dati nung may buhok pa sya.. naiintindihan ko sya kung bakit ayaw nyang magka-HIV nun dahil dagdag pogi- points pala ito sa mga chikas nya sa gabi.. pero nug dapuan na sya ng HIV unti-unti ng tumamlay ang career nya..

Nagbigay kasagutan rin ang artikulong ito, sa katanungan kong bakit may buwan eh umaga pa… ngayon alam ko na ang itsura ng buwan at itsura ng kalbo..

Ilan lang yan sa mga moral lessons kong natutuhan sa artikulo ni ANAK NI KULAPO… kya salamat sa mga inpormasyong ito.. maraming buhay ang naliwanagan dahil sa mga dagdag kaalamang iyong ipinamamahagi kaya mabuhay ka…!!! KULAPO..

sa mga sasali pa may last ten minutes pa kayo.. kaya.. go go go..

Advertisements

Vitamin C!

ngayun lang ata ako nakatanggap ng award na hindi lang matutuwa ka.. healthy pa… ibang level na tlga ngayon… lumalawak na ang isipan ng tao..

medyo healthy nga ito dahil galing ito sa isang duktor na blagera..( aba napapansin ko iba-iba na ang nagblblog ngayun… halu-halo.. kelan kya magbloblog ang mga pulis?????)

eto pa isa sa kagandahan ng award na ito pwede kang maging instant biznessman.. kc may sarili itong cart..

tsaran..

o diba, ang tarush ng award na ito salamat doc angel.. san ka nakakita ng lemonad worth 50 cents lang…

well ito pla yung rules..

The rules of this award:translated in tagalog
1. Put the logo on your blog or post.(ilagay ang larawan sa iyong poste ng ilaw!)
2. Nominate at least 10 blogs which show great Attitude and/or Gratitude!(dahil marami ka ng kaibigan, at magseselos sila sayo pag di mo sila binigyan nito… lahat ng frends mo pwede kahit mga imaginary friends pasok!)
3. Be sure to link to your nominees within your post.(kailangan  close kayo… mahirap maging feelingera’t feelingero..)
4. Let them know that they have received this award by commenting on their blog.(maari mo silang kalabitin,kilitiin, sapakin para makapagpasalamat naman sayo..)
5. Share the love and link to this post and to the person from whom you received your award.(humayo’t magpakarami..)

so.. ayan.. malinaw na malinaw.. lhat kyo pwede khit soon to be friends pa lng kita.. basta feeling nyo kunin… go… lang…

 

have a nice day..!

 

libro

Sa wakas hindi ko alam kung anung mgandang hangin ang nainhale ng ate ko at nag-ayang gumora.
kung tutuusin mga one year na rin kmi ni ate na hindi nkakagala, kc maxado syang nalulong sa virtual jowa nya…
oo virtual kc di nya pa ito nakikita in flesh.. puro sa webcam lang at mga pics habang nagmemestulang living nemo sya dahil isa
syang SEAMAN..SEAMANLOLOKO.. hAAyyy.. ewn ko b dito sa aking syupatid…trenta anyos na nagpapatol pa sa internet..

nakilala nya kc itong seaman na ito sa isang social network.. yung filipinofriendfinder.com.. actualy ako rin ang salarin kc ako
ang nagturo sa kanya kung panu gumamit ng internet.. na kailangan may pera ka munang pambayad sa magtuturo sayo.. wahahhaa..
at ayun ang bunga. natuto na rin syang magchat,magfriendster,makisali sa forum, magserts nang mga boys for rent, mag-gugol,magyahoo..
at higit sa lhat ang pumindot ng keybord para maenjoy mo ang 100% cyber experience..

nung nakaraang araw nya lang nalaman na may jusawa at junakis na pla itong seaman na ito… halleeer…yan ang resulta mxado kcng masikreto
ang ate ko.. ayaw nya ng tinutukso namin sya.. kya inilihim nya ang mga panahong msaya silang nagkakaulayaw ng kanyang virtual
jowa.. mga three years na rin silang mag-un… (o diba alam ko) well! pakilamera tlaga kc ako pag wala akong mgawa nagbabasa ako
ng email nya.. hahaha.. sana kc nagbubura sya ng sent items… hindi lang inbox… hindi ko kc naman naituro sa kanya ang tungkol dun.

kya bisto ko ang bawat titik na sinasambit nya sa kanyang darling.. . hahaha.. ba’t ganun bat kinuwento ko na ang lablyf nya..
sige lulubus-lubusin ko na.. nbsb rin ito si ate.. ni walang umakyat ng ligaw sa bahay namin.. alam nyo ba kung bakit..

anu pa,… kya nga laging may gyera sa iraq sa bhay namin.. dahil ubod sya ng sungit at ubod ng taray.. at hellow sya ang tinubuan ng moodswings..
kya ayun siguro ang result.. i’m so blessed pa rin.. kahit hindi ako kagandahan.. dahil isa akong encandyosa (encantong dyosa) eh.. marami
namang nagtangkang bihagin.. ako.. hahahha..

at dahil nga sa nalaman nya ang ganung estado ng kanyang jowa.. eh narealize nyang .. makipagbonding sa akin.. dahil mtagal
nya kaming inaalipin dito.. huhuhu.. naawa siguro sa akin dahil malapit na akong pumasok sa kumbento dhil hindi na ako naglalabas
ng bahay..

kya ayun.. pumunta kami sa ..
muwahhhh..
muwahhhhhh…

 

muwahhhh….(yan yung sigaw ni manong… papuntang SM MOA)
wala pa kmi sa 1/4 nang nilalakad namin ayun pagod na.. Aba..aba… pati pagiging temaarts.. kinarir na rin ng ate ko.. dahil no choiz sya

at ako lang ang may alam ng pasikut-sikot dun ayun.. napilitan sya hanggang sa mapapad kami sa POWERBOOKS..

ayan malapit na ako title–

sbi nya anung gagawin mo dito? bibili ka b ng liro?

syempre sagot isang malaking HINDDDDDDDDDDDDDDDDEEEEEE.. dahil wala naman akong datung pambili..

“ah ok, sige.. ”

ayun si ate nkahanap ng libro.. ang pamagat “TILL DEBT DO US PART” .. aba..PERA na ata ang kakaririn ng ate ko.. ay matgal na pla
nyang kinakarir ang pera.. kaya nga kuripot rin sya..

dahil syempre hindi naman ako bookish at limitado lang ang binabasa kong libro, ala pa akong nakikita….

hanggang sa..

ayun… BOB ONG ( naalala ko yung kaklase ko na dumayo pa ng sm manila para bilhin ang stainless longanisa edition nito) ayoko
sanang bilhin dahil wala akong pera..saka nbasa ko na yung iba dito.. via-hiram..

sabi ng ate ko.. anu yan..???

libro ni bob ong.. yung parang tgalog version ni bro.bo sanchez ( hala ikinompare ko tlga)

“ah ganun ba? gusto mo ba yan” (aba bibilhin nya para sa akin???)

mabilis kong isinagot “OO” o cge eto byaran mo na (aba parang tumama ako sa lotto.. ganito ba ang mga brokenhearted nagiging mabait)

syempre ako dali-daling pumunta sa cashier at nagbayad.. pero bat ganun.. parang i’m not happy mas gusto cash na lang.. hehehe..
syempre tinamad na naman ako magtype…. kya eto puputulin ko muna pansamantagal.. promis may karugtong to… abangan

Happy Anniversary sa akin..

ika -383 days ko na sa blogosphere ,mga 1 year ,13 months, 90 weeks, 18 days, 10000 hours, 200780.00 minutes, 9.0006264 x 24 to the exponent of 64 square root of 89/3 seconds ko na sa blogospheryo..

Yihee! di ko akalain aabot ako dito sa ganyang numero ng pagsosolve dnugo tlga ako dito..

Di ko na sana ako mag-eeffort pang magcelebrate ng aking ika- isangtaong mahigit blogerversary.. Ang kaso eto cnipag akong magblog.. matapos akong mawala na parang bubbles… Eh baka naman magtampo ang blog ko.. kya ito..

 

 

 

 

 

 

 

pero ba’t ganun…. Tinatamad pa rin ako… wahahahahaha… ang hirap tlgang magmotivate sa sarili na maging msipag… wala lamang pagbabago sa akin kahit naka isang taon na ako.. tamad pa rin akong magblog kahit nga sa english version ko eh.. tamad akong magpost.. wahhhhaahaha..

sabi ko pa naman sa sarili ko, kaya ako nagblog ng maging masipag ako mag type…. kakakapagod kasi magtype.. sana may maimbento nagyun na pag tiningnan mo yung computer kusa na syang magcliclik o kya magtataype ayon sa sinasabi na utak ko… Naku kung may ganun.. mlamang marami na akong post…

hayyysss..

feeling ko kc ganito ako..

exhausted1i’m exhausted parang exhaust fan..

naiinip na kc ako sa bahay namin…. gusto ko ng magkawork….. lalo na ngayong pasko.. ilang taon na rin akong tambay…

Gusto ko ng magkatrabaho kc feeling ko.. hindi tlga ako mag-eexcel sa cyberspace career pwede ko lng itong gawing past tym.. mas maeenjoy ko ang buhaya ko kung magkakatrabaho ako sa reality hindi ganito..

Hiniling ko nga kay mudang na pinababalik na ako ng visor ko sa trabaho kc kelangan daw nila ang byuti ko… kso ito si mudang “Anak sino magbabantay sa tindahan natin, ala na akong kasama dito?” HAYYY.. ayun nadurog na naman ang puso ko… matapos magsentimyento si mudang..

Inisip ko nga kung magkakatrabaho ako.. baka isang araw pag-uwi ko ligwak na c mudang ksi iniwan ko sya…. HAAAAAAAAAAAAAYYYY.. ayooooooooooooookooo..

 

Sige titiisin ko ito… para sa iyo mudang… pero nakakainip tlaga..