counting

Image

 

… well.. mag seseven years na pala ako sa blogosphere nang di ko namamalalayan.. ohmygeee..ang bilis ng talaga ng panahon.. parang dati lang ang syonga-syonga ko magblog.. ngayon.. syonga pa rin…. hahahaha.. 

sa tuwing dadalaw naman kasi ako rito eh.. laging may bago.. di na ako makahabol.. at sa tagal  ng panahon.. dumudugo pa rin ang ilong ko sa pag-intindi ng mga kaanikan dito.. at dahil nga ako’y muling nagbalik akalain mo itong.. status na to ang ang nagpasaya ng aking katawang lupa..

.. akalain mo.. may 10 followers ako na hindi ko namamalayan.. ibig sabihin nyan sa 900000,000000,00000 na blogger dito ay may sampu akong fans.. hahahaha..malamang ito yung mga kapitbahay ko.. at nag-iisang kaibigan kong bloggeer sa real world at mga naawa sa blog kong inaamag na ng panahon..

.. well.. mahirap kasing maging artista laging busy… sa pagdaday-dreaming… kaya nawawalan ako ng oras na magpost sa aking blog… pero infairfull sa tuwing dadalaw ako dito.. natatanggal ang aking sangkatutak na stresssssssssss.. kasi kahit papaano eh.. nabubuhay ang aking diwa sa pagbabasa ng mga blog dito..

.. heniways kaya naman uli ako nagpost eh.. nakapagload na ako sa net connection namin.. ibig sabihin pag naexpired na eh.. expired na naman ang byuti ko sa blog ko.. hehehe.. Isa rin namang dahilan eh.. namiss kong magtype ng maraming period gaya ng napaglilibangan ko ngayon.. at syempre ang pag-alala sa aking buhay na madadagdagan na naman ng isang taon..

ako ay mag 18, 19, 20, 21, 22, 23, 24, 25, 26, 27, 28, ahhhh.. 18 uli.. fixed lang ang edad ko.. unchangeable..gaya ng fezlook ko.. hahaha..

gusto ko rin naman kasi gawaran ang Jobstreet.com sa walang kasawa-sawa sa pagbati sa akin ng 2 days before my debut.. halos 10 years na nilang ginagawa yun.. sobrang nakakatouch yun.. atleast.. they remebered me before my birthday comes… kahit alam kong computer generated lang yun.. at di na rin updated ang paggamit ko dun… aawardan ko sila ng MOST THOUGHTFUL JOB PROVIDER AWARD.. kahit ni minsan di pa ako nag-aaply sa mga company na nirecommend nila.. hahahha..

…hindi ko nga alam kong bakit may napapadaan ditong panaka-nakang magaganda at guwapong bloggers.. ehhh.. di naman ako tumetrending.. kaya gusto ko rin pasalamatan si googoool.. sa pagoogool ng oras na iligaw ang mga blogger sa blog ko.. ng may bumisita kahit paano..hahha..

magdadagdag na naman ako ng edad.. achievement na naman ito na hindi pa rin tumatanda ang mukha ko… I stay young and pretty pa rin.. (sige purihin ko sarili ko..push ko to..).. kelan naman kaya madadagan ang mga nagawa ko sa universe… haayyy.. wish ko lang.. dumami ang anda ko.. para marami naman akong mapautang.. dumami rin ang lalake ko..dumami rin ang suitors ko.. kasi malapit na akong grumadweyt sa wakas.. pwede na akong magjowa.. hahaha.. goodluck na lang sa treasure hunting ko…

.. wish ko rin sana makagora naman ako sa ibang lugar.. hindi yung nalibot ko na ng 90 times ang bulacan.. eh.. yung ibang parte ng phils.. ay di pa.. sana makagora talaga ako sa maraming lugar..

.. at pinakaimportante sa lahat ay hopefully makagraduate na ako next year.. at magkaroon ng trabaho.. ng makatulong na ako sa pilipinas… 

.. gusto ko rin mag- thank you kay Lord Almighty sa pagbigay sa akin ng hininga para mabuhay araw-araw.. at magsabog ng kagandahan sa universe.. that’s all… folks..

bayieee.. sa susunod uli.. Adios Otra vet..=)