Sa aking mga itay!

Una, dalawa tlga ang itay ko ang isa ay ang totoo kung itay at ang isa ay ang aking itay sa cyberspace..

kinailangan ko tlga ng dalawa kc da more the merrier!

syempre ibibida ko muna si unang itay!

Dear Pudang,

Alam ko pag nbasa mo to kukutusan mo ako..(pero pls. wag naman bka matakot ako nyan..) alam kong ayaw mong tintawag kitang pudang.. hehehe..

Well, wla ka namang mgagawa, pera na lng kung dalawin mo ako mamaya..hehehe.. Ispiking of dalaw.. magtext ka muna ha.. ska pls.. wag ka ng magsama ng iba.. bka kc sumunod ako bigla sa iyo..

kamusta ka na dyan pa? Nakita mo na b yung mga kaibigan mo?

kc nung nawala ka sumunod na cla sa inyo, tulod ni MANG JUN, MANG SONNY CU, C MANG DIGO, C ALING ELSIE, tapos yung iba mo pang kaberks dito… balita ko nagsisama na cla sa iyo.. kya medyo komonte na ang populasyon sa lugar sa atin..

sabi nga nila pa… bat ka daw nagsama ng mga kapitbhay ntin.. cguro nalungkot ka msyado dyan??? wag kang mag-alala pa pti sa libingan iisa lng kayo ng hinimlayan sa .. Astig ka tlga pa.. parang pinalano mo lahat.

Pa, mis ka na namin , sbi pla ni mama bat di ka na daw mxado nagpapkita sa kanya.. ikaw nga lagi bukambibig nya.. Nung mamatay nga si daboy , ayun naiyak rin kc naalala ka daw nya halos pareho kyo ng sakit.. wag kang mag-alala pa.. okey naman sya.. wag mo syang kukunin ha… yung iba muna isama mo dyan… Nagkita pla kyo ni daboy pa dyan…??? pkisb daw fan na fan si mama ni daboy.. kya nalungkot sya ng mawala sya sa earth..

Pa ito pla yung pictyur na hinhanap nyo sa akin… nuon.. pasensya na di ko nibigay sa inyo yung kopya kc bka dalhin nyo pa dyan.. pagkaguluhan pa ako.. tapos hilingin nilang mag mall tour ako.. hehehee..

me and my fafa!!!

oo ksali uli ako.. magsawa kyo sa piktyur ko.. heheheh..

Pa, pag nbasa mo ito ha.. tandaan mo itext mo muna ako ha..

miz ka na nmin.. lab yahhhh…. muwaaahhh..

______________________________________________________

at sa aking pangalawang itay..

C second itay ay ang aking “VIRTUAL ITAY” dito sa cyberspace.. dahil wala clang anak ni virtual inay ako muna ang pansamantalang virtual anak nila..

Dear Itay Hubby,

Hanggang ngayun iniisip ko pa rin bat ka napa -oo nung cnv kong itay na lng ang itatawag ko sa inyo… di ka ba natakot o kinbahan kc may saltik ako… hahahhahaha…

salamat po sa pagiging itay nyo sa akin dito.. kya khit feeling aloop ako minsan sa blogosphere in na in naman ako sa inyo at sa iba pa.. kc lam ko khit virtual ako parang totoo na rin ako..

kelan ko kya kyo mkikita????

well, cguro pag may mall tour ako mlapit sa inyo..

Kmusta na pla ang mga hamham nyo?

Yan pa ang ipinagtataka ko kyo mhilig sa hamster o daga.. ako naman sa pusa.. kya di ko alam panu tayo nging close.. heheehe..

 

Pero nagpapasalamat ako kc my virtual itay akong tinatawag na laging nagbibigay sa akin ng pangral ng buhay kya mas lumalapit ako ky papa Jesus….

 

salamat itay..

sana ay pagpalain pa kayo.. lagi kayong magiiingat…

 

NAGMAMAHAL..

repah..

 

at happy father’s day rin sa lhat ng father sa blogsphere at sa outersphere! naway pagpalain kyo ng diyos habang buhay.. at manatili ang kagwapuhan sa inyong mga mukha… awww!

Happy birthday Mudang..!!

khapon ang birthday ni mudang ika-12 ng hunyo taong dalawanglibo’t walo. Nagdidiwang siya ng kanyang ika- 59 (limamput syam na paninirahan sa mundong ibabaw.)

pero bago ko ipamalas ang aking kaisipan sa naganap na kaarawan ng aking pinakaiisang ina sa mundong ibabaw… mayroon kasing gustong umapila..

dahil araw nga ng kalayaan.. umaapila na sila ay mkalaya na..

panoorin dito

bago.jpg bago picture by repahpits

dahil sa gusto rin nilang sumikat sa buong kalawakan . Binigyan ko sila ng pansin upang mkilala sa aking banyagang blag. Sana ay silipin nyo sila khit sandali..

At tayo ay magtungo na sa pinakamamahal kong ina sa mundo.

ang cute namin ni mudang

ipagpaumanhin ninyo, wala akong mhagilap sa baul ng kanyang solong larawan..

pilit ko ng isinama ang aking sarili pra mas maging kaaya-aya ang larawan nya..(hahahaha.)

Sa dalawamput dalawang taong pagiging ina nya sa akin ay sya ang nagsilbing flourescent lamp ko sa tuwing ako’y nakararanas ng brown out.

(ang hirap maghalukay ng malalim na tagalog… !)

well ito na..

kung aalahanin ko lhat ng kanyang ginwa sa akin.. hindi na makekeri ng wp ang aking ipopost dahil walang pagsidlan ang kanyang kabutihang loob sa mundo, sa kabili ng mga pagsubok na kanyang pinagdadaanan.

ibibigay ko sa inyo ang konting patikim

-kung siya ay ihahambing sa isang tindahan para syang 7/11, 24/7  bukas lagi at hindi nya kailanman nakapadlock sya kung mag-aruga sa amin at para syang mercury drug, “siguradong gamot mo ay laging bago” sa pagbibigay ng pagmamahal hanggang paglaki.

– sya na siguro ang isa sa pinakafertile na tao sa mundo dahil sa walong inuluwal nya ay lhat normal (ako lng nagkaroon ng diperensya konte.. hehehe)

– kung gagawin syang isang cd.. sya ang sinaunang plaka paulit-ulit na kakapangaral sa amin ng mga tama at maling gagawin.

-kung maghahanap ka ng dalagang filipina.. ehehehe,, hindi na po sya dalaga… isa lang syang tunay na filipina dahil ang kilos nyat galaw ay naayon sa konserbatibong lipunan ng pilipinas.( nagpakasal sya sa aking pudang dahil ninakawan sya ng halik nito!)

-siya ay isa rin sa mga miyembro ng serious existing people in d world, hindi ko man lang sya nakakitaan ng halakhak sa tuwing manonood kami ng comedy movie, o ngumiti man lang khit evrey 1 hr.( kya cguro high blood si mudang…)

hayyyyyy.. marami tlgang mga bagay-bagay si mudang na kakaiba sa mga inang nakilala ko kaya… sya ay aking lab na lab from d buttom of my apdo.

 

kaya..

HAPPY BIRTHDAY MUDANG! I LOVE YOU… YIHEEE!

isyu ni destiny.

dapat hindi ako magpopost ngayun pero dahil sa dami ng fans kong nkisimpatya sa aking paglulungkut-lungkutan na pati ang kapitbahay kong c jen ay nakisimpatya rin… at parang nakasama sa akin ang pagturo sa kanya magblog, dahil dun malalaman nya ang aking pinakakatagong sikret garden sa bhay… hay… atlist ibig sabihin lang nyan… marunong syang magcomputer na… hahahaha…

di bale.. alam kong hindi nya naman ito sasabihin sa aking buena familia, dahil kasalukuyang nilagyan ko na ng packaging tape ang kanyang bibig.. hahaha 

gusto ko ring magpasalamat sa mga nagsuggest ng mga gagawin ko kaso.. sana magdilang anghel kayo.. iNIMAGINE ko baka maging robot na ako sa suggestion nyo..

kc magwoworking student ako tapos nag-aaral tapos nagbabantay sa nanay ko at sa aming mini sari-sari store namin.. feeling ko dapat gumawa na ako ng clone ko.. baka maging superhero na ako ng di oras nyan…

heniwayyyssss..

d’ isyu , d mega isyu, d controversyal isyu in my destiny ay itetch..

 

yan yung larawan ng comment  sa akin.. binilur ko para di nyo mabasa.. buti na lang kinain siya ni aksimet kundi nababasa nyo rin sya…

dahil alam kong koryus na koryus kayo kung anung laman ng comment nya well..

ito na ang da who..??

clue # 1 ang comment na iyan ay isang paninira sa isang blogger sa universe na isang pinoy at malamang na kilala nyo na sya dahil kilala ko rin sya..

clue # 2 ayon sa comment hindi daw ito lalaki isa syang bading na namemera lang sa mga pipol na kilala nya…

ayun.. hanggang dun lang ang aking patikim dahil ala naman akong balak usisain pa bkit ganun na lang ang galit nya sa blogger na iyon..

at mega comment pa sya sa kin para sabihin yan… Helloooowww close ba tau??

at kung may atraso man sya sau at naperahan ka rin nya.. well bat ka nagpaloko..

gudluck na lang sau at god blesss! salamat sa pagdalaw.. di bale hindi kita eemail— hahahaha…

 

hay.. kawindang tlga ang mga eksenang ganyan akala ko sa real world lang yan.. balak nya atang maging brian gorrel d’ second.. kso… sana gumawa muna sya ng blog..

destiny

wahhhhh.. bakit Philippines?? bakit World???

gusto ko mag -enroll,

gusto ko mag-aral,

gusto kong mag trabaho,

GUSTO KONG MAGING SPED TEACHER, COMPUTER SPECIALIST, EXTORTIONIST,EXHIBITIONIST AT TERRORIST

wahhh bakit ganito ang nangyayari sa akin… Magiging “certified tambay” na ba ako for 2 years(exp. date June 2010) wahhhh..

ayoko pa naman mpasama sa mga unemployed o kya sa lumalaking porsyento ng mga tambay sa universe..

bakit? why?

..actually ang totoo kya nsa disapointment fhhhheling  status ako eh..

IKAW B NAMAN ANG MAIMBAK SA BHAY…??? nakasanayan ko pa namang may ginagawa lagi…

Sabi kc ni Mudang “ANAK, mabait ka naman ikaw muna huminto ng may magbantay sa akin at sa ating sari-sari store.. patapusin mo muna si jinke at ikaw naman ang susunod..”

waaaaaahhhhh.. 3 years na akong nkahinto sa pag-aaral mudra??? + 2 years pa di bale 5 years nang utak kalawang ang aking brainss panu na ang future kong makatulong sa mankind.. kung sa bahay lang ako everluuuuu.. magiging slow na ako… wahhhhhhhh..

KONSENSYA: Okey lang yun atlist hindi ka masyadong mapapagod…

WAAAHHHH…hindi mganda yun bka mapaaga ako ng di oras, di na ako makakapagtambling, split hanggang edsa… dahil 4 na sulok na lng ng bhay namin ang mkikita ko araw-araw.. ever…

at alam nyo bang mraming SIDE EFFECTS ang pagiging tambay???

una- you will be senseless:

mawawalan ka ng sense of humor dahil hindi ka n mkakasama sa mga friendship mong may mga sapak at saltik, di mo na malalaman ang mga words for today na super uber nakakalerkey.!

pangalawa- lack of money

wala kang masyadong raket dahil hindi ka mkalabas ng bahay mo.. kya mhina ang dating ng anda at datung!

KONSENSYA: kumakain ka naman araw-araw ahhh..

at pangatlo – zero social life

wahhhhh… ilang buwan ko na ring namimisss ang itsura ng manila, itsura ni echiverri sa lrt, itsura ng mga friendships ko at higit sa lahat ang mga pagsesentimyento ko pag inis ako sa world..

haaayyy.. pero ala naman ako mgawa kundi tanggapin ang lhat ng ito.. for the sake of my human atomical configuration in short.. destiny!!

maligayang pasko

B U L A G A !!!!

HAHAHA! ang aga ba ng aking pasko…???

 eh kc naman masyado akong nalulungkot sa dti kong WP theme… lalo akong naiistress pag nagbloblog.. wala tuloy ako gano energy pag nagpopost dun… kaya eto…

 

chanan…. bago na ang aking bhay..

pero bago ko napalitan tong bahay ko eh katakot-takot na hang ang inabot ko..

gusto kong magaklas.. sa ADMIN NG WORDPRESS..

DAHIL sa tahasang pagbago nila ng kaayusang dating kinasanayan ko dito..

nahirapan akong magbago ng mga widgets dahil sa hinahanap ko kung san nkalagay na ang SAVE?? KAINIS..

yung mozilla firefox pa eh lagi akong tineterminate…aba hindi tama yan… hindi man lang kayo nagpapaalam sakin sa mga pagbabagong ginagawa ninyo..

hindi niyo ba alam na maraming SLOW na katulad kong… hindi maksabay sa inyong pagbabago…??? hmmmpppp…

naubos tuloy ang powers ko sa inyo….???

buti na lang at pinakalma ako ng aking fairy god father

at sabi niya hindi kayo bibigyan ng gift sa pasko… deadma na ang byuti nyo…(lol!)

.. hay ang hirap tlga pag bobita ka sa cyberspace… di bale iwiwish ko kay santa na patalinuhin ako next year..

Ang totoo nyan ayoko kcng mdama ang krisis ng pilipinas ngayon.. kya isipin ko na lang pasko na.. yuhoo…


Christmas Comments


KOYA

BOBO DAW AKO! Sabi ni kuya.. sa twing masisira ko ang PC namin.. kc naturingan computer kinukuha ko eh.. hindi ko alam ayusin ang sira ng PC namin…

MALAY ko ba hindi naman kmi tinuruang ayusin yan no.. pwede pa turuang sirain.. ska di ako naniniwala sa kanya kc sbi ng mga kaibigan ko,… MATALINO daw ako sv ng mga kaklase ko at kaibigan ko.., kc pinakokopya ko cla ng assignment at test namin.. kya hallerrr… di yan totooo.. dahil ako’y isang BOBITA.. HAHAHA

Pero sa tuwing sasabihin nya yan,gusto kong tadyakan, pagulungin ng nakatuwad hanngang edsa..

pero naisip kong HELLOWWWW! mas blessed ako sau.. kya cge pagbibigyan kitang.. tapak-tapakan ang ang kautakan…

mas blessed ako sa kanya.. kc hindi ako pinanganak na “ACCIDENT PRONE AREA” Oo sya ang human accident prone area bakit??

dahil may dalawang malaking balat sa pwet sya.. mga 6 inches ang laki at take note my epicenter pa yung balat nya.. kya sa parang attracted sya sa mga aksidente…

ebidensya..

simula nung ipinanganak sya mahina na ang lungs nya sbi nung duktor…

nung grade 3 sya muntik nang butasin ang baga nya para lumbas ang tubig na sanhi ng pagkakaroon nya nung pneugmonia..

nung grade 5 xa.. nahiwa ang paa nya ng tapalodong bakal ng dyip habang nkaangkas sa bike kya ayun.. tinahi ang sugat niya sa ospital.

nung first yr. hi-skul siya, habang nkaupo sa desk ay aksidenteng tinamaan ang kanan nyang mata ng dulong paa ng arm chair, dahil sa naghaharutan ang klasmeyt nya..

nung 3rd yr. hi-skul, napasukan ng tubig ang tenga nya at napabayaan nya.. ayun tuloy mga 1 week syang nabingi.. dahil dun.

nung 1st yr. college nagkadengue silang dalawa ni kuya.. tapos sinalinan ng dugo… after 2 weeks may HEPA-C na sya..(kontaminadong dugo kc ang nasalin s kanya..) pero ang ipinagtataka ko bkit sya lng ang nagkaganun eh.. clang dalawa ng kuya ko ang sinalinan.. grabe tlga..

tapos mga ilang taon rin naglaylo ang pagiging ma-aatract sa aksidente..

akala ko tapos na kc napapancin ko nagsisimba na sya mga once in a month.. kya nalayo n sya sa disgrasya..

 

ayun.. muntik na nyang mbangga ang kapitbahay naming maangas at pinablotter sya dahil daw nag-overtake sya..

haaayyy.. kya cge kuya ok lang skin khit anu pang panglalait ang sbihin mo naiintindihan kita.. alam kong dala yan ng pagiging adik mo sa gamot.. kya parang may saltik ka na..

bibihira ko lang makausap c kuya ng matino at seryoso sa totoo lang ala pa.. akong natatandaan..

kahit ang mga kaibigan nya hindi ko rin alam kung anung lengwaheng ginagamit kc cla lng ang nagkakaintindihan.

kya.. CGE kuya.. ikaw na ang magaling…