how’s life??

madami pa akong dapat gawin.. pero di ko maumpisahan.. gusto ko na ngang matulog.. pero may hinahanap ako.. tapos namiss ko tong blog ko..

itong nakaraang linggo lang hindi naging magandang timpla ng mga araw ko.. ewan ko ba..??? ganito na ba pag tumatanda..??? isang linggong surang-sura ako.. kaya nga mas gusto kong kausap ang sangkabadingan sa universe ng tumawa naman ako.. natutuwa ako.. at least kahit isa sa mga subjects na kinukuha ko ngaun eh.. may kinahiligan rin ako..

pansin ko ang lalim ng iniisip ko ngayong linggong to.. mag-iiwas nga muna ako sa mga kaedad ko masyaso kasing ang lalim ng mga pinag-uusapan namin.. tuloy naapektuhan ako masyado..ang dami ko tuloy naiisip.. bukod sa sandamakmak na requirements na pasahan next week.. bhala na..

ngayong linggo rin toh.. nagulantang ako.. namatay na yung isang kabatchmate ko.. ako pa unang nakaalam dahil sa fb.. pero yung totoo nung nabasa ko yun .. nakaramdam ako ng takot ang lungkot.. nasabi ko tuloy.. Lord! damihan mo na problema ko.. basta wag mo lang ako kunin agad.. masarap mabuhay..!!! hehehe.. basta natakot ako mamatayng maaga.. tapos ngayon naman kaya napapost ako sa blog.. isa sa mga blogista dito.. nawala na rin ng maaga.. ang bata pa.. susko.. anu ba to…???? ayoko talaga pinaguusapan ang mga tungkol sa kamatayan.. afraid talaga ako…

sana kung san man sila naroroon ay nasa mabuting alagayan sila at masaya..

 

haayy.. sana ngayong susunod na linggo naman maging masaya.. ayoko ng mga kalungkutan.. pramis..!!!