Buhay nga naman!

Buhay nga naman akalain mong birthday ko pla ngayon…. OO! B-I-R-T-H-D-A-Y ko.. ang totoo di ko pa nga maalala yan kung hindi ako nagrenta ng vcd sa kanto.. Sabi sa akin ng girlalu dun..

“Mam pangalan nyo po???—-repah astig diba?!!!

“Mam kelan birthday nyo???–august 19

“Mam birthday nyo ngayun..– ha! birthday ko ba??

“Mam libre na yung isang vcd pero sa isang kondisyon???–anu yun???

“mam penge nang handa!!!!— adik ka ba??? malamang may handa ako hindi ko nga alam eh kungdi mo pa pinaalala.. Umayos ka.. hehehe!

“Mam joke lng po.. happyviewing na lang..

Ang totoo natuwa tlaga ako sa kanya kc atlist sya naalala nya ang aking kaarawan..Nakakalungkot nga eh yung mga kaibigan ko sa real world eh iisa lng ang bumati bukod sa pamilya ko.. at take note pinsan ko pa sya…. Wahahahaha…. Naiinis ako sana itext lng naman nila ako… nkapopup naman yun sa friendster ah,…. tapos yung mga close friendsko 24 hrs ang last log-in … Kainis.. DEEFUNNNGALLL kayo ha… porket di ko rin kyo binati.. gantihan ba to…

Di bale salamat na lng sa rentahan ng vcd sa kanto at binati nila ako with matching kanta pa… natouch tlga ako.. kya dahil dyan babatiin ko na lng ang   sarili ko..

to me!!!

hayy sa mga interesadong magtanong kung ilang taon na ako.. .. well mag dedebut pa lng ako..

Pero hindi tlaga ako mkapaniwalang tumatanda na ako.. Kc parang younger looking pa rin ako.. hehehe…

Naisip ko nga anu ba yan ala pa rin akong nararating.. andami ko namang pangarap sa buhay ba’t ganun khit isa ala pang natutupad..

pangrap ko lng naman eh..

1. magkaroon ng mansion sa baguio.

2. rest house sa boracay.

3. mkapangasawa ng mayaman khit di gaanu kagwapuhan.

4. maging presidente ng isang muti national- company..

5. at higit sa lhat magkaroon ako ng powers para patahimikin ang mga MILF sa Cotobato na balak pang mag- agaw eksena sa maynila..(nakakatakot bka dumami na ang kaanib ni kadapi janjalani dito… marami pa namang tambay sa maynila..)

hayyy sobrang simple lng nman di ba???? hehehe..

pero serioux… sana lng eh mkakain lngkmi 3x a day sa isang oras at gumaling na si mudang at maging maayos na ang pamumuhay namin.. sa dami kc ng problemang dumarating sakin.. parang nkakamanhid na lng pag may mga ganitong importanteng oksyon ng aking buhy..

pero nagpapasalamat ako kay lord kc binigyan nya ako ng another year para magkalat ng lagim este ng kabutihan sa sangkinapal… bow….

Advertisements

22 thoughts on “Buhay nga naman!

  1. Nahihiya naman ako, naunahan pa ng isang kuting ang mga kaDAGAan ko sa pagbati ng hapi berdey sayo. 😳

    Alam kong August ka, pero hindi ko natandaan ang date (ka-birthday mo pala si Pres MLQuezon). Ang dad ko August 19 din ang sine-celebrate namin nung buhay pa sya, maski August 26 ang talagang birthdate nya (Aug 19 kasi ang naisulat sa birth certificate nya)

    Debut? 🙄 18 ka nga ba? Ahehe… kung ganon mas bata pa pala ako ng isang taon sayo — magse-17 pa lang ako neks mant. (joke)

    Sana matupad ang mga pangarap mo. Ako maski isang simpleng dampa lang sa Baguio e aush na. Mansyon ng daga lang ang kaya kong gawin duon. 😆

    Hayz, the MILF problem… 😦 … 😥

    Yes, I do hope and pray na gumaling na ang nanay mo, anuman ang naging karamdaman nya.

    Huwag kang mawawala sa blogosphere, repah. I am one of the bloggers here who are truly blessed by you. Keep it up. 😉

    Happy birthday uli, my “virtual anak!” 😀
    May God continually bless you (and your mother also)! 🙂

  2. better late than never….. 🙂

    H A P P Y B I R T H D A Y ! ! !

    sana matupad ang wishes mo lalo na sa iyong mudang (get well soon po.) yakang-yaka mo yan repah, alam yan ni Kuya Jesus. Malaki ang tiwala niya na kayang-kaya mong malalampasan ang mga obstacles na yan…go repah, it’s ur birthday!

  3. …lola!! happy birthday!!! sorry late (kaw nga di mo naalala e.heheh!)
    …srsly, sana happy birthday mo at sana makuha mo mga pangarap mo…madami dami yan kaya go girl ka na. pero pinakimportante, sana maging ok na nanay mo.

  4. happy happy birthday! happy happy birthday to you!!!
    nahuli man ng isang araw.. nakahabol pa rin heheheh… happy birthday repah!!!

    madali lang yang pangarap mong yan, im sure matutupad lahat ng yan. at kapag natupad.. don;t ever forget us hehehee… idamay mo kami sa grasya mo ha. 😀

    hapi betday po uli!

  5. waaaaaaaaaaaaah!!!
    belated atecH!

    wish u ol d best!
    nahuli man ako nagreet atlis nagreet kasi tagal ko din hindi naglogin eh!

    awtz!

    tara ate samahan kita patahimikin yang MILF na yan!

  6. uy belated happy birthday! at totoo ito, dream the impossible for impossible dreams do come true, pero pa isa isa muna, hehe

  7. HAPPY BIRTHDAY REPAH. WISH KO LANG NA SANA AY LAGI KANG MASAYA, MALUSOG, LIGTAS LAGI SA MGA SAKUNA, AT UMUNLAD KA SA IYONG BUHAY SAMP NA ANG IYONG PAMILYA. PATNUBAYAN KA SANA NI LORD AT BIYAYAAN. NABABASA NATIN SA HOLY SCRIPTURES, FAITH MOVE MOUNTAIN. LAHAT NG MGA PANGARAP MO SA BUHAY AY MATUTUPAD KUNG IYALAY MO LAHAT SILA KAY LORD. SIYA LANG NAMAN ANG NAKAKAALAM NG LAHAT. GODBLESS REPAH.

  8. Happy Birthday Repah… sana matupad mo lahat ng iyong mga pinapangarap sa buhay. Salamat a nakadalaw ka sa aking lungga. Pasensiya na kung ngayon lang ako nakapagresponse. Hayaan mo at lagi ka naming dadalawin dito ni Colegiala girl. Thanks.

  9. belated happy birthday sa iyo. ang saya ng mga pangarap mo sa buhay..hehe..share ko nga pala sa iyo ang isang passage sa bible at ito ang sinasabi “And my God shall fulfill every need of yours according to his riches in glory in Christ Jesus.” Phil. 4:19

    again…happy birthday and God bless you. mwah

  10. huli man daw at magaling…nakakabati pa din!!!!

    Belated happy birthday epah!!!!=)

    kapag natupad na lahat ng wishes mo…mag pa burger ka ha!!!

    ingat!!!=)

  11. happpyyyy birthdayyyyy to youuuuuu… kanta ko yan para sayo pero hanggang sulat lang ha? kasi kung talagang kakantanhin ko eh baka biglang madadagdagan na naman ang bagyong dadating sa pilipinas. in fairness, gusto ko rin ng mansion at rest house… so apir tayo! happy birthday ulit…

  12. happy b day
    lol
    i was really enjoying reading ur post it makes me laugh hahaha
    wish that ur dreams will come true someday
    haha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s