happy birthday lula!

sisimulan ko itong aking pagbabalik sa pagpapasalamat sa mga istoker ko.. habang wla ako sa bahay ko.. hehehe.. SALAMAT SA inyo.. at sa mga nag-alala kong friendships dito sa aking mhaba-habang pagkawala..

OKEY NA PO AKO DYOSA PA RIN! AT HIGIT SA LAHAT.. SALAMAT SA DIYOS OKEY NA SI MUDANG..

ang tagal ko nawala kya wla na akong alam na chaka minute dito sa wp.. parang tumamlay ata yung career ko pero papasiglahin ko uli..

at isa sa pangpasigla ng career ko ay batiin ang aking namayapang grandma… na nagdidiwang ng kanyang kaarawan. noong Abril 20..

(grabe ang hirap mag-upload sa bagong wp..)

Totoo po sya ay dead na.. at sa tanang buhay niya siguro hindi pa siya nabrobrodkast sa universe, kya gagawin ko ito..

Sbi ng mga kapatid ko kamukha ko daw lula ko!(lula ang tawag namin sa kanya.. hindi ko nga alam kung bisaya ba kami o bikol..???) At mag-aaswa rin daw ako sa edad na katorse(14).. hehehe..

Si LULA kc ay nag-asawa ng 14 yrs. old pa lng sya.. kc ipinagkasundo sya sa ming lolo… Pero nung nabubuhay sya sbi nya smin di naman dw nya lab si lolo.. napilitan lang daw sya.. pero ang ipinagtaka ko.. bkit sila nagkaanak ng anim kung di nya mhal…???

Well nbuhay kc sya panahon pa nang hapon siguro ngayun ata 90 yrs. old na sya kc namatay sya nung 2005.. kya ganun na lang kinalakihan nya… marami pa sana akong ikwekwento kso may commercial kc ako bukod sa

HAPPY BIRTHDAY LULA!

EH!

HAPPY EARTHDAY RIN!

Advertisements

11 thoughts on “happy birthday lula!

  1. happy bday lola! ang sweet naman. im sure kung nasaan man sya ngayon, nakangiti yun dahil naalala mo ang bday nya, at ginawan mo pa ng entry!

    hmmmm.. magawan nga rin entry lola ko… at tulad mo, mahal na mahal ko rin yun. pero wala na sya huhuhuhu

  2. …happy birthday sa lola mo.=)
    grabe, 14 me asawa na sya? buti pa sya…sana kung alam ko lang tatanda ako ng ganto na walang asawa at anak, pinagkasundo na din ako parents ko.hehehe!!

  3. @azrael-hehe..cge kuya azz.. gawan mo rin lola mo.. mlay mo close na cla ngayun ng lola ntin tapos dalawin n lng tayo isang araw.. hehehe
    @manilenya-waow aba dumalaw ka ata sa wp.. hehehe.. apir pla tyo… pareho ang lablyf ng lola ntin.
    @sommer-naku kung lam ko nga rin eh.. wag kng mag-alala ihahanap kita

  4. hapi bday kay madir! sana wag xa mag tenk u saken 😀

    ako 1 lola lang naabutan ko , kaso bata p din ako ng namatay xa 😦 la tuloy ako mapaglambingan 😦

  5. Hello, anak! 😀
    Yang lola mo, para din palang lola ng nanay ko — ipinagkasundo ng mga parents nya nung katorse pa lang sya, sa isang kastila pa, ahehe… 😆
    Tutuo ka, anhirap mag-upload photo sa bagong WP, lalo na kung sinauna na ang piktyur? 😛 Marami ako nyan — mga litratong pangnayntin-kopong-kopong pa? 😆

  6. @ate mine-wag kang mag-alala dadalawin ka daw nya.. hhehehe
    @misyel- ay naku syemprea ako ang dyosa nyang apo..
    @itay-naku tama ka itay pag sinauna siguro yung pic.. hhehehe
    @kulot- iaad po kita.. tenchu sa pagdalaw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s