makoy ng bayan

My Photo….Hindi si Ferdinand Marcos ang bida sa aking blog ngayun.. pero siguro soon to be President.. hehehe. Kundi si Ferdinand Mark “Makoy” Tayag. Sino siya?? Well alamin niyo kaya himay-himayin niyo ang post ko.

Pinili ko sa Tagalog Bersiyon ko na lang isusulat ko ang review kay Kuya Makoy. Dahil mas lalo kong maipapadama sa mga makakabasa nang aking rebyu sa kanya kung ito’y gagamitin ko sa sariling wika diba???at tiyak mabubuhayan na naman sa dagdag kaalaman ang hyphotalamus ng inyong kaisipan.

Inisip ko rin baka mas sumikat siya kung gagawin kong tagalong ito, dadami ang fans niya at higit sa lahat “someone will buy a coffee for him” hehehe! Hindi ko rin alam kong mapili itong aking literary powers at manalo ng tumataginting na limampung dolyares($50). Kung saka-sakali man THANK You kay Lord., kasi siguro kokonsensyahin nya si kuya makoy..!

Sa totoo lang kinakabahan ako habang ginagawa ko to, kasi credibilidad ni Kuya Makoy ang nakasalalay dito. Well, mahilig naman talaga ako mag rebyu. At para sa isang malupit na trivia:

Ang Blog ni Kuya Makoy ang pangatlo sa nakilala ko blogosphere when I was a beginner and still beginner pa rin ako.
Mahahatak ka talaga at sigurado halos lahat sa inyo ay napadaan na at nadapa na sa kanyang bahay at tumambay ng mga isang oras para basahin ang mga nilalaman ng bahay niya.
Sino ba naman kasing di tatambay sa bahay niya ng isang oras???

1. Ang Blog niya ay puno ng Commercial- Bawat ata bagay na napalibot sa kanya ay nagagawan ng kwento. Tulad ng Pagbili nya ng pantalon, sapatos na talagang branded, mga pagkain, foodchain, lugar na tinutunguhan ay sisiguraduhin nyang ipluplug niya sa bahay niya. Sa susunod bka pati mga langgam, kulisap ay magpapakilala sa kanya ng sumikat naman sila sa cyberworld.

2. Kung gusto mong kumita ng dolyares at kaperahan, pumunta ka sa blog niya, ang dami mong matutuhang techniques para madaling makakuha ng parokyano sa blog mo sa madaling paraan.

3. Latest chikas! Movies at ultimo current events ng bansa ay talagang updated siya. Makikita mo talga sa kanya ang passion for blogging.

4. Marami siyang anik-anik sa blog niya tulad ng Poll Question at Mga inaniban niyang grupo sa blogosphere na talagang tanda ng Pagiging sikat niya sa Pinoy and around the world.

5. And last, itong si Kuya Makoy ay mahilig ring gumawa ng mga tula, mga kakatwang kwento na mababasa niyo  sa kanyang literary writings blog. Kaya kung ako sa inyo ay bibisitahin ko na ang blog niya.

Pagdating siguro ng panahon. Marami ng mahihikayat na magblog lalo na ang mga tambay pag nabasa nila ang blog ni Kuya Makoy. Kaya isulong ang Makoy ng Bayan!

 

 

Advertisements

7 thoughts on “makoy ng bayan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s