oh candy..

…bago ko muna simulan ito gusto ko lng batiin ang mga balinsasaw na naligaw sa bahay ko na tga ibang country.. hehe pang international pla tong bhay ko.. naligaw daw cla dito kc naghahanap cla ng ibang language.. tyak gay language ang hinahanap nila kaya naligaw ang byuti nito.. c Jao ska c Kathy,,.. hehehe thenk you .. ha sana mrami png balinsasaw na maligaw..   heniways.. ito ay kinopya ko lng sa email.. bsahain nyo na lng ha…

ANG PAGBABALIK TANAW SA CANDY..  (BASTA AKO IWAS NA DYAN MASAKIT NA NGIPIN KO KAKAIN NYAN… > oh..candy panghimagas..

>

> hindi maitatwa na ang kendi ay naging malaking parte ng kabataan

natin.mga

> makukulay,mababango(although mnsan may maantot),at masasarap na

kending

> lalung nagpasaya saten at mnsang nagpaiyak din dahil sa sakit ng ipen

na

> dulot nito.balikan natin ang mga kending namayagpag at pumukaw sa mga

puso

> at tastebuds nmin nung panahon ko.

>

>

> 1. KENDI MINT – eto ang kending kanunu-nunuan pa ng dynamite.ang

official

> na kendi ng mga taong may tinatagong puot sa knilang kaloob

looban.mint

> candy sya(malamang?!) na may lamang chocolate o kokwang mamasa masa

sa

> pinakagitna.kulay green ang wrapper nya na may nakaimprentang eskimo

na

> nakangite at parang gustong magpasubo na.

>

> 2. LIPPS – ang kendi ng mga batang malalande,mapa nene man yan o

> tukling.cherry flavor na kendi na gawa sa benadryl(ayun sa pakilasa

ko yan

> ha,mapait kase) at sandamakmak na pulang food coloring.sobrang

makulay sa

> bibig,kadalasang ginagawang panghalili sa lipstik ng mga bata o di

kaya

> dugo effect sa larung aswang aswangan.payak lang ang wrapper,kulay

puti at

> pula tapos nakalagay lipps.

>

>

> 3. VIVA! – ang kendi na ayaw na ayaw ni mother lily.caramel candy sya

na

> mukang tae at mukang hindi masarap bilhin lalu na ang kainin.kulay

tae din

> ang wrapper nya at mas mamatamisin mo pa cgurong ikendi ang naptalina

kesa

> sa kending toh.

>

> 4. WHITE RABBIT – ang bi-sexual na kendi.dalawa kase ang klase ng

kending

> white rabbit,may tinatawag na local at imported.parang vivang

pinahaba

> lang ung local version,toffeecaramel ang flavor at bukod dun eh wala

ng

> ibang misteryong mahihita pa sa knya.kulay puti at super milking

nougat

> naman ung imported.at bukod dun sa chinese character na nakaimprenta

sa

> wrapper nya eto ang pinaka pambato ng white rabbit imported,ang

kanyang

> inner wrapper na pwedeng kainin at pagsaluhan ng buong pamilya.happy

> fiesta!

>

>

> 5. PINYA – hindi ko alam kung anu ba tlaga ang lehitimong tawag sa

kendi

> na toh,pero dahil hndi tayu masyado sure ay itago na lang natin sya

sa

> pngalang ?pinya?.sya ang kending pinakafashionista ang wrapper dahil

> figuratively muka syang pinya.bagsak lang sya sa itsura ng wrapper

dahil

> mukang tapeteng mura lang per yarda ang itsura nito.at ang

> lasa?..pinya..malamang.

>

> 6. VICK’S – ang kendi ng mga batang may kakambal o ng mga batang

sadyang

> madamot lang tlga at pinalaking dupang?vicks candy.mentholated ang

vicks

> at dalawang piraso sya ng kendi sa isang maliit na pack na hugis

inverted

> triangle(kumporme sa paghawak mo).kulay hinog na uhog at

pinaniniwalaan ng

> mga bata na nakakapagpaluwag ng paghinga.hndi ko alam kung associated

tlga

> ang nakagisnan naming vicks candy sa vicks na pamahid sa sinisipon.

>

>

> 7. BUTTER BALL – ang kendi na mga batang may malalaking bibig.ito ang

> peter’s butterball,ang pinakamasarap sa lahat ng caramel

candies.bilog

> syang candy na mejo may kalakihan ang hulma kung sa bata

ipapasubo.sosyal

> ang wrapper dahil ito ata ang pinakaunang kendi na nasa pillow pack

at

> kulay peach pa.bsta masarap,husto na yun.

>

> 8. ORANGE SWITS – ang ina ng mga gummi bears at potchi.malalambot na

> orange slices na pinatihaya,pinadapa at pinagulong gulong sa asukal

> hanggang sa magtanda.apat na slices per pack at mas madalas na

makitang

> binebenta ngyun ng mga takatak boys kesa sa sari sari stores.

>

>

> 9. TOOTSIE ROLL – isa sa pinakasikat ng kendi nung panahon ko,sa

sobrang

> kasikatan eh nagkaron pa ng dance craze na tribute sa knya nung early

> 90s.caramel candy din ang tootsie roll na kasing haba ng mongol na

> makatatlong beses ng tinasahan.bukod sa pwede syang kainin at sayawin

ay

> pwede din syang itapal sa ngipen para magmukang bungal at yun ang

> pinakamasayang purpose ng tootsie roll.

>

> 10. ALMO – ang pinagmulan ng mga ovalteenies.chocolate candies sya na

> mukang mga tabletang panlunas sa sipon at lagnat.nakalagay sa makulay

at

> maliit na foil pack at kadalasang nakasabit sa tindahan dahil dugsong

> dugsong sya.masarap ang almo lalu na kung hindi mo sariling pera ang

> pinambili.

>

>

> 11. HAW FLAKES – ang buhay na patunay na hindi sa ikatlong baitang sa

> elementarya unang nagaganap ang pangungumunyon ng mga bata.ito ang

haw

> flakes,ang kending galing pa ng tsina at naging saksi sa barter trade

> system.mas kilala sa tawag na ?oscha? dahil sa kakatwang itsura

> nito.maninipis at kulay maroon na amoy pawisang singit ng

> bata(maasim),nevertheless may basbas at sagrado.dito nagsisimula ang

> damdaming makadiyos at madasalin kaya ibahin nyo ang haw flakes.ang

> kending galing sa langit

>

> 12. KENDING HUBO – also known as neto,nyan o dutdut motion.pabili nga

po

> neto,pabili po nyan,o di kaya dutdut na lang dun sa garapon.ganyan

ang

> kending hubo.ang kending walang sapat na pagkakakilanlan at

impormasyon sa

> sarili.muka syang holen na iba iba ang kulay at flavor(kadalasan

> citrus/fruity).may budbud syang asukal sa paligid at kadalasang

nakalagay

> sa malaking garapon ng lady?s choice.

>

>

> 13. LALA – ang pinakamasarap ng tsokolate sa mundo ng pagkabata.mas

kilala

> sa tawag na ?milo?,ang lala ay gawa sa purong kokwa(cge magmarunong

tayu

> sa ingredients) na hinulma into small rectangular chocolate bars na

may

> nakaemboss na parang rehas ng veranda.sobrang masarap at sobrang

tindi din

> kung magpasakit ng ngipin,nevertheless masarap.un naman ang

importante eh.

>

> 14. CHOC-NUT – ang hall of famer sa lahat!sya ang pinakasikat na

kendi(o

> kung anumang twag sa klase nya) sa balat ng pilipinas.gawa sa

natuyong

> peanut butter at chocolate na hanggang ngayun ay hndi ko makapa ang

lasa

> na binalot sa palara.all time favorite ng panghimagas o pampalipas

> oras.chocnut is simply the best(naks! parang HBO)?

Advertisements

13 thoughts on “oh candy..

  1. at kumusta naman yan.. wala man lang ako naalala sa mga nabanggit mo.. si white rabbit at lipps lang natatandaan ko… lols

    aba ikaw ay nagbalik… aba ang plastic mo… parang cnv mong mtanda na kmi at ikaw ay bata pa… hehehehe… naabutan mo yan… nililinlang mo kami.. hehehe

  2. di ko ata alam yung kending Hubo 😀 pero fave ko ang wyt rabbit empre yung may balat na nakakain..

    bat nga pla wala ang fave ko din na fcukses este FOX’S Lols 😆

    ung lemon un tatlo bentesingko… ang tamis nya kya.. hugis bilog.. hehehe.. bigyan na lng kita.. susyal kc ung fox…

  3. waaah namiss ko mga yan!! kaya sumasakit ipin ko dati dahil gahaman ako kendi ahaha.. isali mo na din ang bagolbam wahaha tsaka yung kendi na may libreng singsing.. hahah 😀

    aba uu nga may libre singsing ung iba.. grabe back to the past tlga..

  4. …bwahahhaa! natawa ako dito! welcome to memory lane! syet, lahat (as in lahat!) ng nabanggit mo, peyborit ko nung kabataan ko!! nalimutan mo yung tira-tira (yung nilusaw na asukal tapos binalot sa aluminum wrapper ng milo/ovaltine!!)
    …babol gum din fave ko nuon…bigboy, texas, tarzan, bazooka (dahil sa komiks) at yung bilog bilog na 3 bentesingko.hehehe!!

    nagbalik k b sa agiging bagets mo.. ayan dinala ulit kita sa pinas,… para minsan isama mo ako sa lamyerda mo..

  5. wahhh… la pa rin talagang kakupas kupas ang kakulitan dito sa site mo. in fairness kilala ko lahat ng kending nakalista.at almost lahat paborito ko til now esp ung lala na lagi kong binibili sa tindahan sa may baba namin he..he..

    nga pala,baka di mo na ko naalala im cdy173 of einnocistic.may bagong bahay na ako.update mo na lang ung link mo.my new url: http://www.einn0c.wordpress. com 🙂

    wow ang tgal mong nagpahinga girl ha.. oki,,, nagbagong anyo ka na naman.. sge dadalawin kita..

  6. magandang araw repah lol grabe natakam ako ng husto sa mga kending yan gusto ko yung almo 50 centavos lng kc yun eh hahaha saka yung butterballl lala at choc-nut (kaso maka Hany na me ngayon)
    wala bang pastillias jan o kaya sampalok in stick hehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s