KABUTEng BULA

Pebrero 7, 2009

NAKU..parang ang kapalaran ko ngayung taon na ito ay maging KABUTE..

bigla na lng susulpot AT BULA naman dahil bigla akong nawawala..

napapabayaan ko na yung cyberworld ko ah..

____________________________________

hindi naman kc sinabi sa HORUSKUPOH ko na tatamaan ako ng LINTIK NA TONSILITIS.. akala ko kc di na sya babalik.. ayun parang kabute rin tumubong bigla at namaga..

What Is Tonsillitis?

Tonsillitis is an infection of the tonsils. It is caused by either a virus or a bacterium (usually the bacterium known as streptococcus – the same bacterium that causes “strep throat”). Tonsillitis mostly occurs in young children. (SABI KO NA NGA BA…. YOUNG PA RIN AKO.. HEHEHE..)

sabi sakin ng doktor… kung gusto ko daw alisin ko na lng tong tonsil ko para di na ito sumumpong forever.. wa effect naman daw ito kung mwala sa aking beautiful bunaganga..

ang sabi ko sa duktor.. bakit po ba? malala na po ba?

sabi nya.. hindi naman namamaga lang.. buti na lng at naagapan ko kc malapit na itong magnana..

ang sabi ko naman? so bakit kayu nagsusugest na tanggalin ito?

sabi nya.. kc wala namang mawawala sayo pag inalis na natin to( sabay sabi ng mga ecklavarvang medical facts)

sabi ko.. ayoko po i’m afraid in operation… basta ayaw ko ayaw kong maospital.. mamaya mapano pa ako.. mawala pa yung golden voice ko..

si doc wla nang mgawa kundi sbi nya.. UKI!

haaayyy. isang linggo lng naman akong nilalagnat dahil sa tonsilitis ko at awa ng dyos pagaling na sya..

napapansin ko after 2 yrs. laging sumusulpot ang tonsilitis ko.. at dun lng ako nagkakasakit ng malala.. yun lng ang tanging skit na dumadapo skin bukod sa simpleng ubo at sipon..

ayoko pa rin patanggal ang tonsil ko khit nahihirapan ako sa kanya sa tuwing susulpot sya sa buhay ko.. parang nadevelop na nga ako sa kanya eh… heehhehehehe..


FENG SHUI FOR YR. 2009

Enero 31, 2009

medyo na delayed ang pagdating ng aking vibrations…

dahil… nawili ako sa lamig ng panahon at kahit mainit na feeling ko… malamig pa rin.. pero dahil sa nkasanayan ko na at panata ko na sa buhay ang gumawa ng orakulo ng kapalaran.. heto na..

pero bago ko ibigay yan.. kelangan muna ntin ng orasyon upang maging mas mabisa ang iyong magiging kapalaran ayon sa aking ORAKULO…

hmmm.. gayahin ang dasal.. eto ay nkasalin sa salitang chinese.. ang dasal na ito ay pinamagatang EH – YER — na ang ibig sabihin ay paswertehin ang kapalaran base sa hangin..

trivia: AYON SA CHINESE.. ang bagong henerasyon ngayon ay kakaiba sa sobrang hi-tech nito… effective na pang paswerte ang hangin.. dahil ito ang nagdadala ng maayos nating kapalaran.. (hango sa echoserang book ni repah)

okey lets start na from the very beggining ready..

this is so easy.. Just follow me!

EH- YER

hmmm.. hmmm…

monpuyo… ewwww..

monpuyo..ewwww..

Oh..oh.. HAT.. DAM..

des…. es.. ma- i… di.. yam

kip mi… kip mi..

par… ti…. ying..

tel… dah.. eh.. em..

ma-ik.. to.. ro.. ma-i.. han..

in.. dah… EH-YER.. EH.. YER..

ahooo…ahoo….. (say this chant three times.. then dance..)

pag nagawa yan.. tyak tanggal ang malas at libag sa iyong katawan sa year 2009.. awww!

simulan na natin ang iyong magiging kapalaran

OX- oks na oks ang pagpasok nang taon na ito sa iyo, dahil taon ko rin ito.. at maganda ang aking vibrations… kung ikaw ay babae, gaganda ka pa tulad ko.. dadami ang iyong manliligaw,lalo na sa mga byuda… dadami ang mangliligaw mong bata ages 23- below.. (panalo ka lola!) ngunit hindi ka swerte sa pera.. dahil mahal na ang tuition fee sa college ngayun.. konting budget lang.. para sa lalakeng ox, well same as above.

kung sa business: patok ang magpatayo ng school, kung saan maaring mabigyan ng malaking discounts ang iyong jowang bata.

RAT- Hindi magiging maganda ang samahan ninyong mag-asawa sa taong ito. Dahil nagdududa ka sa kanyang kasarian.. Kung ikaw ay naguguluhan eto na ang kasagutan. Kapag ang nakita mong anino sa iyong asawa ay kulay itim. Well congratulations! siya ay tunay na lalaki.. ngunit datapwat subalit, sa pagsapit ng gabi ang kanyang anino ay magbabago, ito ay magiging kulay PINK- at sya ay isang tunay na DARNA sa gabi.. awww! so saaddd..!

DRAGON- Kung balak magkaroon ng anak maswerteng pangalan ang BYOLETA. Kung bibili ng musical instrument bumili ng VIOLIN. Kung magbibisnes ka naman KAKANIN special tea- UBE HALAYA.

RABBIT- Iwasan muna ang pagtakbo ng matulin. Madaming kang pasahero. Maari itong maging dahilan ng pagsuspindi ng kumpanya niyo

- LTFRB

PIG- Hindi maganda ang pagpasok ng taon sa iyo. Iiwasan ka ng lahat dahil may dala kang EBOLA VIRUS.

SNAKE- Para sa mga tambay, kung gustong may mgawa sa buhay subukang ipaghihiwalay ang sangkap sa 3 in 1 cofee.. Pag nagawa mo goodluck na lang sau!

Para sa mga employed- Magkakaroon ng malwakang mass layoff… pero wag kang mag-alala hindi ka masasama sa matatangal dahil employed ka nga eh..

HORSE- bigyang importansya ang iyong kalusugan. Lalo na ang PAGHINGA. itoy makakatulong sa pagpahaba ng iyong buhay.

MONKEY- magkakaroon ka ng di inaasahang bisita. Kung kelan?.. abangan mo na lng.. Siya ang magiging susi ng iyong kapalarang umunlad. Ngunit, datapwat, subalit ikaw ay uugatin sa kakahintay.

ROOSTER- iwasang dumalaw sa mga burol ng mga namatayan sa taong ito.. itoy magdadala ng kapahamakan sa iyo. Mahilig ka ksing mag-abuloy. at lagi mong inilalagay ang pangalan mo sa mga nag-abuloy. Ang kaso may parafol na ngayon sa mga nag-abuloy.. ang mabunot sya ang susunod.

TIGER-dadami ang iyong kaaway. manganganib ang iyong buhay. Huwag kang mag-alala ganyan talga ang buhay ng bumbay.. may bago ba?

GOAT- sa babaeng goat..Kung nanaisin mong magpakasal sa taong ito.. Huwag muna kilalanin munang mabuti ang iyong kabiyak. maaring isa sya sa myembro ng federasyon.. masasaktan ka lng… nagkalat na sila.

sa lalakeng goat- mag-iiba na ang pananaw mo sa pag-ibig.. mas maligaya palang kasama ang mga boys… kesa sa gurls..

DOG- Iwasang mamasyal ngayong taon lalo na sa bandang Northern part ng Pilipinas.. Ika’y pagpyepyestahan gawing pulutan..

naging msaya b kayo sa inyong kapalaran? gusto nyo ba ng matinong prediksyon sumanguni sa aking english version ng libre 2009 chinese predictions..

Basta kung saka-sakaling yayaman kayo.. wag nyo akong kalilimutan../… AWWW! WORLD PEACE..


halo-halo

Disyembre 16, 2008

…dahil mahaba-habang panahon akong nawala sa aking blog… mahaba-haba rin tong post ko…

ooops…ooopsss..ooops.. alam ko icloclose mo na kaagad ang window ko at sisilip ka sa ibang blog… dahil alam kong tamad kang basahin ang litanya ko dito…

kaya nga eh.. dahil alam kong yan ang gagawin mo.. eto iniemurate ko para sa iyo.. dahil sobrang malapit ka sa tumbong ko.. hehehehe..

pero ang tanging payo ko lang eh basahin mo ito bwat detalye ksi may pabuyang naghihintay sa iyo… awww!

ito ang mga halo-halong chaka minute sa buhay ko dis passs few,plenty days..

1.HAPPY BIRTHDAY- sino ang may birthday???? sympre hindi ako.. isa sa mga friendships ko dito sa blogosperyo na napangakuan kong gagawan ng special mension sa aking blog.. for exposure ng kanyang career..

H A P P Y B I R T H D A Y

16SYA YAN… nawawalang bata sa quiapo… na hinahanap ng kanyang magulang…. mtapos bumili ng lobo.. hehehhe..

alam ko sweetrei28 a.k.a muzikheires.. pics mo yan nung mga infant ka pa..

pasensya ka na super leyt na itong pagbati ko mga 2 weeks ng delayed.. pero atlist I remember.. Happy birthday.. sana ay patuloy ka pang gumanda tulad ko.. apirr!

2. MARKY CIELO VS. DREAM MATCH – hay naku kahit san ako mapunta kundi paquiao dela hoya ang pinaguusapan si marky cielo..

Masaya ako nung nanalo si paquiao kay dela hoya… hindi dahil nanalo ako sa pustahan.. syempre masaya ako para kay paquiao kc tlagang kakaririn nya na ang pag-eenglish..at khit naiiwan nya na ako sa pageenglish i’m happy for him kc binibigyan nya ako ng malaking pag-asa na makausap ko an foreynger kung saka-sakaling magflu away ako.. hahhaa..

ngunit,subalit,datapawat,bagkus, nagkaroon nga ng kagimbalgimbal na balita.. itong si papa Marky ko ay.. ayun gudbye philippines at gudbye world na… hayy kakalungkot baka puro mababait ang inuunang kunin.. babawas-bawasan ko ng maging mabait..

3. CHA-CHA- hayyy.. deeeefuuungaalll na chacha yan.. imbis na ang asikasuhin ng gobyerno ay pano magkatrabaho ang mga taong tambay.. inuuna pa nila yan…. dapat cla ang mga kinuha ni lord eh…

4.DENGOY- kya nawala rin ako sa blogosperyo dahil yung isa kong pamangkin nadengoy.. nadengue.. hindi sya nakatira smin.. kya hindi sya sa min nadengue….  pero ayun hindi ko alam pati ako damay… hindi sa pagkakaroon ng dengue.. ksi ako lang naman ang magbabantay sa knya tuwing gabi… hindi ko alam bat ako naiinis eh pamangkin ko naman yun.. naiinis lang ako kc may mudra sya na dapat mag-alaga sa kanya… at hindi ako.. ewan ko naiinis kc ako sa mudra nya padalaga effect pa… at hindi keri alagaan ang junakis nya… hayyy naku… ang sarap tlgang iturok sa kanya yung i.v fluids para sya ang nkaratay dun at hindi yong anak nya…. todo utos sya sa aking syupatid.. hbang sya.. pasosy effect at sitting pretty…. hayyyy..

5. SIMBANG GABI- ayun simbang gabi na naman… magsisimbang gabi ulit ako… hindi ko alam kong mabubuo ko ang simbang gabi… wish ko lng..

haaaayyyy.. haba ba.. o cge… babush muna at magsisimba pa ako mamamya..


Buhay nga naman!

Agosto 19, 2008

Buhay nga naman akalain mong birthday ko pla ngayon…. OO! B-I-R-T-H-D-A-Y ko.. ang totoo di ko pa nga maalala yan kung hindi ako nagrenta ng vcd sa kanto.. Sabi sa akin ng girlalu dun..

“Mam pangalan nyo po???—-repah astig diba?!!!

“Mam kelan birthday nyo???–august 19

“Mam birthday nyo ngayun..– ha! birthday ko ba??

“Mam libre na yung isang vcd pero sa isang kondisyon???–anu yun???

“mam penge nang handa!!!!— adik ka ba??? malamang may handa ako hindi ko nga alam eh kungdi mo pa pinaalala.. Umayos ka.. hehehe!

“Mam joke lng po.. happyviewing na lang..

Ang totoo natuwa tlaga ako sa kanya kc atlist sya naalala nya ang aking kaarawan..Nakakalungkot nga eh yung mga kaibigan ko sa real world eh iisa lng ang bumati bukod sa pamilya ko.. at take note pinsan ko pa sya…. Wahahahaha…. Naiinis ako sana itext lng naman nila ako… nkapopup naman yun sa friendster ah,…. tapos yung mga close friendsko 24 hrs ang last log-in … Kainis.. DEEFUNNNGALLL kayo ha… porket di ko rin kyo binati.. gantihan ba to…

Di bale salamat na lng sa rentahan ng vcd sa kanto at binati nila ako with matching kanta pa… natouch tlga ako.. kya dahil dyan babatiin ko na lng ang   sarili ko..

to me!!!

hayy sa mga interesadong magtanong kung ilang taon na ako.. .. well mag dedebut pa lng ako..

Pero hindi tlaga ako mkapaniwalang tumatanda na ako.. Kc parang younger looking pa rin ako.. hehehe…

Naisip ko nga anu ba yan ala pa rin akong nararating.. andami ko namang pangarap sa buhay ba’t ganun khit isa ala pang natutupad..

pangrap ko lng naman eh..

1. magkaroon ng mansion sa baguio.

2. rest house sa boracay.

3. mkapangasawa ng mayaman khit di gaanu kagwapuhan.

4. maging presidente ng isang muti national- company..

5. at higit sa lhat magkaroon ako ng powers para patahimikin ang mga MILF sa Cotobato na balak pang mag- agaw eksena sa maynila..(nakakatakot bka dumami na ang kaanib ni kadapi janjalani dito… marami pa namang tambay sa maynila..)

hayyy sobrang simple lng nman di ba???? hehehe..

pero serioux… sana lng eh mkakain lngkmi 3x a day sa isang oras at gumaling na si mudang at maging maayos na ang pamumuhay namin.. sa dami kc ng problemang dumarating sakin.. parang nkakamanhid na lng pag may mga ganitong importanteng oksyon ng aking buhy..

pero nagpapasalamat ako kay lord kc binigyan nya ako ng another year para magkalat ng lagim este ng kabutihan sa sangkinapal… bow….


may malaki akong problema!

Hulyo 24, 2008

kelangan ko ng tulong nyo mga kapatid sa earth..!!!!

hindi ko kc mgamit itong pc namin… naka windows vista na kami.. tapos ilang linggo lng di ko na maopen mismo ang windows environment…

di na ako mkapagchat o kya mkagawa ng mga doumento.. mkapagsave ng piktyur-piktyurs at higit sa lahat di ako mkapagblog kya sa ate ko nga yun ako nagkukuta upang mkahingi ng inyong tulong everlu…

 

hinhanapan kasi ako ng numero sa lotto para mgamit ko ulit ang aming pc sa bhay… este product key pla ng windows vista.. hindi ko nmN alam kung saan hahanapin ang susi ng pandoras box na iyan para mgamit ko uli ang aming inaagnas na pc dahil ilang araw ko ring di nagamit..

SAN.??? SAN???? SAN???? KO HAHANAPIN SI PRODUCT KEY..???

Ginawa kong manghula kso hindi na kinaya ng powers ko.. ang sabi naman sa akin nung message prompt ” kelangan mong bumili ng sushi este susi ng produkto upang maipagpatuloy ang iyong kaligayahan… ngunit paano????? wala akong pambili nun.. isa lng akong magrerepak ng uling upang mbili ang $999 na yan…. hindi ko nga maiconvert sa peso dahil sa sobrang mhal…????? waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhh…

 

wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh… anung gagawin ko…????

 

kung kelan naman nakarecover na ako sa pagkastroke ko sa smatbro– ska naman dumating… waaaaaahhhhh.. saan, saan ,saan ako nagkamali..

ang alam ko lng pinainstol ko to sa isang technician na itatago natin sa pangalang RICKY BOY.. na malayo sa kuta kinabalu ko.. sa may bandang q.c ko pinainstol ang bagong o.s. na ito para maging in naman ako sa teknology ngayun… KSO ITO NGA.. mrami plang kachenesan tong windows vista na hindi pwedeng mkalusot ka pag wala kng susi..

hayyyyyy..

 

san na ba yung susing yun… tapos tinetext ko itong si RICKY BOY … aba di man lang ako nirereplyan para sa product key nito… matapos kitang byaran ng one thusand pesopesopesoseeessssssssssss….. pra sa o.s na ito… wahhhh.. magparamdam ka kundi.. ibubuko kita sa amo mo… dahil sideline mo ito at bwal ito… pls…. magreply ka na kuya ricky..

 

kyo mga frends bka lam nyo ang susi sa aking prublema… huhuhu.. tulong..