dapat hindi ako magpopost ngayun pero dahil sa dami ng fans kong nkisimpatya sa aking paglulungkut-lungkutan na pati ang kapitbahay kong c jen ay nakisimpatya rin… at parang nakasama sa akin ang pagturo sa kanya magblog, dahil dun malalaman nya ang aking pinakakatagong sikret garden sa bhay… hay… atlist ibig sabihin lang nyan… marunong syang magcomputer na… hahahaha…
di bale.. alam kong hindi nya naman ito sasabihin sa aking buena familia, dahil kasalukuyang nilagyan ko na ng packaging tape ang kanyang bibig.. hahaha
gusto ko ring magpasalamat sa mga nagsuggest ng mga gagawin ko kaso.. sana magdilang anghel kayo.. iNIMAGINE ko baka maging robot na ako sa suggestion nyo..
kc magwoworking student ako tapos nag-aaral tapos nagbabantay sa nanay ko at sa aming mini sari-sari store namin.. feeling ko dapat gumawa na ako ng clone ko.. baka maging superhero na ako ng di oras nyan…
heniwayyyssss..
d’ isyu , d mega isyu, d controversyal isyu in my destiny ay itetch..

yan yung larawan ng comment sa akin.. binilur ko para di nyo mabasa.. buti na lang kinain siya ni aksimet kundi nababasa nyo rin sya…
dahil alam kong koryus na koryus kayo kung anung laman ng comment nya well..
ito na ang da who..??
clue # 1 ang comment na iyan ay isang paninira sa isang blogger sa universe na isang pinoy at malamang na kilala nyo na sya dahil kilala ko rin sya..
clue # 2 ayon sa comment hindi daw ito lalaki isa syang bading na namemera lang sa mga pipol na kilala nya…
ayun.. hanggang dun lang ang aking patikim dahil ala naman akong balak usisain pa bkit ganun na lang ang galit nya sa blogger na iyon..
at mega comment pa sya sa kin para sabihin yan… Helloooowww close ba tau??
at kung may atraso man sya sau at naperahan ka rin nya.. well bat ka nagpaloko..
gudluck na lang sau at god blesss! salamat sa pagdalaw.. di bale hindi kita eemail— hahahaha…
hay.. kawindang tlga ang mga eksenang ganyan akala ko sa real world lang yan.. balak nya atang maging brian gorrel d’ second.. kso… sana gumawa muna sya ng blog..
Ipinaskil ni repah 












